Regalo ni Santa

425 16 4
                                    

Regalo ni Santa

Isinulat ni Aymadrimer


"Nanay, totoo po ba si Santa?" tanong ni Jose sa kanyang ina habang pinapanood ang pagliligpit ng christmas tree.

"Hindi naman totoo 'yon, Anak."

"Hindi po. Totoo po siya, Inay! Nag-usap pa nga po kayo kagabi e!"

"Anong nag-usap? Hindi ko pa nga siya nakikita," naiiritang-sabi ng kaniyang ina habang patuloy na nagliligpit.

"'Nay, maniwala kayo, nakita ko po talaga si Santa. Saglit nga lang!" Biglang tumakbo sa kuwarto ng kaniyang nanay si Jose at dagling bumalik habang hawak-hawak ang isang manipis na tela.

"Nakita ko po siya, pumasok po sa kuwarto ninyo. Tapos kanina pagkagising ko, nakita ko po ito," paliwanag ni Jose at saka itinaas ang telang hawak. "Brief po, Nay! Baka regalo niya sa akin? Malaki nga lang masiyado pero sakto ito kay Ninong. Ano, naniniwala na po ba kayo?"

"Oo, totoo. Totoo nga si Santa," sagot ng nanay sabay hablot ng regalo sa anak habang namumula.

#KarakathaRegaloniSanta

KarakathaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu