Pila

360 8 6
                                    

Pila

Isinulat ni Aymadrimer


"Ano'ng pangalan mo?" tanong ng matandang tagatala sa babaeng nasa unahan ko. Nakapila kami at ako na ang susunod. Matapos sagutin ng babae ang lahat ng tanong  ay agad na siyang pumasok sa malaking pintuan na tinuro ng tagatala. "Sunod!"

Ako na ang susunod kaya humakbang ako palapit sa matanda.

"Ano'ng pangalan?"

"Maria dela Cruz po," magalang kong sagot sa kaniya.

"Araw ng kapanganakan?"

"Agosto 29, 1996."

"Araw ng kamatayan?"

"Disyembre 7, 2015," sagot ko kay San Pedro bago niya ako pinapasok sa malaking pintuan.


#KarakathaPila


KarakathaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin