Baho sa Lipunan

71 3 1
                                    

Baho sa Lipunan
Ni Aymadrimer

"Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e, dahil 'yan sa gobyerno. Naku, sana naman tutukan nila ang mahihirap. Lalo na 'tong batang 'to oh. Kawawa naman. Kahit na pulubi, gusto pa ring mag-aral. Ito 'yong mga dapat hinahangaan," kumento ni Marissa sa nakita n'yang litrato ng pulubing may hawak na libro sa kan'yang Facebook newsfeed.

"Tama ka diyan, Mare. Ang gobyerno kasi, kung saan-saan tumututok. Puro na lang patayan. Puro na lang bangayan. Itong bata, 'di man lang matulungan," pagsang-ayon naman ng kumare niya na kanina pa nakadungaw sa telepono nito.

"Wait lang, magko-comment lang ako," ani Marissa at agad na nagtipa ng 'Amen' bilang kumento sa litrato. "Sana makatulong. Kawawa tala—ay punyeta! Ano 'yon?"

"Oo nga, Mare. Ang baho!"

"Punyeta ka! Lumayas ka nga ritong bata ka! Nag-uusap kami rito, dadaan-daan ka. Pati langaw dinala mo. 'Wag ka nang dadaan dito ah! Maligo ka! Ang baho-baho mo!" nanggigigil na sigaw ni Marissa sa batang dumaan habang may hawak na basket na may lamang mga turon.

"Kahit isa lang po, Ale. Bili na kayo. Pam-project lang ng kapatid ko."

"Wala akong pakialam. Baka ipang-rugby mo lang 'yan. Lumayas ka na nga rito dahil malilintikan ka na talaga sa akin! Naku, bwisit. Kadiri! Napakabaho!"

#KarakathaBahoSaLipunan

KarakathaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt