Bayaning Mapaniil

141 4 0
                                    

Bayaning Mapaniil

Isinulat ni Aymadrimer

Galit na galit si Pepe, Andres at Manuel dahil sa nalaman nilang balak ng namumuno na ilagay sa lugar ng mga bayani si Marcos. Ayon kasi sa kanya'y isa itong bayani. Ngunit noong panahon ng batas militar ay maraming naghirap at namatay. Karamihan sa mga babae ay nagahasa. Kay lupit naman nitong si Marcos! Naging malupit na nga siya sa kaniyang panunungkulan, ngayon ay marami pa ring sumusuporta sa kaniya? 

"Bayaning mapaniil, karapat-dapat nga bang ilagak sa lugar ng mga bayani?" tanong ni Pepe sa kaniyang mga kasama.

"Aba! Hindi maaari! Nagdusa ang mga minamahal kong kababayan dahil sa kaniya, at ngayo'y mapapabilang siya sa atin na mga bayani? Hindi ako papayag!" galit na pahayag ni Andres.

"Kapangkat, narito na si Marcos!" sigaw ni Emilio.

Biglang bumukas ang zipper. Lumiwanag. Inihulog dito si Marcos— ang bala kasama ang mga salapi sa loob ng pitaka.

#KarakathaBayaningMapaniil

KarakathaWhere stories live. Discover now