Prinsesa

129 4 2
                                    

Prinsesa

Isinulat ni Aymadrimer

Napakaraming rosas, tsokolate, at mga regalo ang ibinibigay sa akin ng aking mga manliligaw. Ayon sa kanila, ako raw ang prinsesa ng buhay nila. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil sa pagsuyo para maibigay ko ang aking 'oo'. Pero kahit ano'ng gawin nila, hindi ko ito ipagkakaloob. Isa akong babaeng walang ka-amor-amor na makita ang sarili kong kasama sila. Kaya lahat ng mga materyal na ibinigay nila sa akin ay aking inayos at i-kinahon. Binalot muli ng bagong pulang papel na may disenyong puso.

Inabot ko ito sa aking kaibigan, si Marites—ang prinsesa ng buhay ko.

#KarakathaPrinsesa

#SobrangShortStories

KarakathaWhere stories live. Discover now