MRT Boy

180 6 1
                                    

MRT Boy

Isinulat ni Aymadrimer

"Babaeng pasahero, nag-viral matapos mag-post ng kaniyang saloobin sa Facebook tungkol sa lalaking hindi nagpaupo sa kaniya sa MRT. Sinabihan niya ito ng mga mapanakit na mga salita na naging dahilan kung bakit maraming netizen ang nagalit sa kaniya."

Napatulala na lamang ang babae nang mabasa niya ang ulat na ito tungkol sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Hindi niya alam kung pagsisisihan niya ang sinabi niya sa lalaking nakilala bilang MRT boy. Sa totoo lang, masakit ito para sa kaniya. Parang sinasaksak ang dibdib niya habang binabasa ang mga kumento ng mga tao. Makailang ulit na siyang namura at hiniling na mamatay.

"Ate!" Napabalikwas siya sa inuupuan nang marinig niya ang tinig na iyon. Pinahiran niya muna ang kaniyang  luha saka siya lumingon. Ngumiti siya.

"Ate, may magandang balita! May tumulong sa akin para pag-aralin ako sa kolehiyo! Ate, matutupad na ang pangarap natin!" mangiyak-ngiyak na sabi ng bunso niyang kapatid. Tumakbo ito at dagling yinakap siya.

"Salamat, Ate. Dahil sa iyo kaya matutupad ang mga pangarap ko. Kung hindi dahil sa plano mo, walang maaawa sa akin para pag-aralin ako," dagdag pa ng bunso niyang kapatid na mas kilala sa pangalang MRT Boy.

#KarakathaMRTBoy

KarakathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon