Pulang Enbelop

267 8 5
                                    

Pulang Enbelop

Isinulat ni Aymadrimer

Araw ng Pasko. Alas-diyes ng gabi. Nakuha ko na ang aking Christmas bonus at mag-isa akong naglalakad sa daan. Madilim. Malamig. Nakakatakot.

Alam kong nandiyan siya, nasa likuran ko. Sumusunod siya sa akin kaya hinawakan ko nang mahigpit ang bitbit kong bag. Nanginginig ang kamay ko habang mahigpit itong hinahawakan. Natatakot ako sa maaari niyang gawin. Naririnig ko ang kaniyang mga yabag. Naririnig ko ang kaniyang munting halakhak. Kailangan ko na bang tumakbo? Kailangan ko na bang umalis? Natatakot ako.

"Hinto!" 

Tumayo ang lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Pakiramdam ko ay malalaglag na ang luha ko dahil sa takot. Hindi ko na kaya. Kahit ano namang gawin ko, wala namang kwenta. Kahit na tumakbo ako at magtago, mahahanap at mahahanap pa rin niya ako.

Napagdesisyonan ko nang lumingon. Dahan-dahan. Unti-unti ko namang kinuha ang pulang enbelop mula sa aking bag at dahan-dahan na ibinigay sa kanya.

Mabilis niyang kinuha ito, sabay ngiti. Humakbang siya palapit sa akin. Yinakap niya ako.

"Salamat, Ninong!"



#KarakathaPulangEnbelop

#SobrangShortStories

KarakathaWhere stories live. Discover now