P(Utol)

76 5 1
                                    


P(Utol)

Isinulat nina Aymadrimer at SimplestabBer



"Arnel, sana mapatawad mo ako," mahinang sabi ni Gelo sa katabi habang parehong nakahiga sa iisang kama.

"Tama na. Huwag mo nang ipaalala sa akin na makikipaghiwalay ka na," naluluhang tugon ng lalaki.

"Mahal kita."

"Mahal rin kita. Kaya nga pumayag na akong umalis ka at maging mas masaya kahit na maghiwalay pa tayo. Basta't para sa ikabubuti mo, papayag ako."

Napahagulgol na lang ang babaeng kanina pa nanonood sa dalawa at dagling yinapos ang mga ito.

"Sana wala nang magsakripisyo. Sana mabuhay kayong dalawa. Kahit imposible, sana mabuhay ka rin tulad ng kakambal mo, Arnel," garalgal na sabi ng ina sa mga anak habang iniintay ang papalapit na operasyon.

#KarakathaP(Utol)

KarakathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon