Chapter 1

2.5K 189 36
                                    

Author's note: Baka magkabaliktad po ang names lalo na nina Kate at Kaitlyn. Ngayon pa lang pasensya na😄







Unedited....




Five days na siyang nag-aaral sa Westbridge University. Sa loob ng limang araw, masasabi niyang masaya naman siya. Hindi na siya gaanong bantay-sarado ng bodyguards lalo na kapag nandito siya sa loob ng campus. Sinusundo pa rin siya ng mga ito pero hindi na sobrang higpit ang ama dahil nasa legal age na siya.

Same lang sila ni Elias ng paaralan. Noong una, gusto pa ng pinsan sa CTU mag-enrol pero ayun, pinagalitan sila dahil baka mag-join lang daw ito sa frat kasi kilala na fraternity school ang Crysanthemum University.

Alas singko pa ang uwian nila pero wala na silang pasok kaya niyaya siya ng kaibigan na gumala. Ang problema, alam niyang hindi siya papayagan ng mga magulang na gumala kaya heto, sinusubukan niyang tumakas sa kabilang side habang wala pa ang sundo.

"Saan ka na, gurl?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Wait lang, palabas na ako ng school. Saan ka ba?" tanong ni Kaitlyn.

"Sa kabilang kanto. Wait mo 'ko diyan. Pick-up ka namin," sabi nito.

"Sige," sagot niya pero biglang kumalabog ang dibdib nang makita ang family van nila kaya tumakbo siya para tumawid pero tila napako sa kinatatayuan nang makita ang motorsiklong papatawid din. Late na para umiwas siya kaya napapikit siya.
Tila nabingi siya sa lakas ng impak na narinig. Nangangatog ang magkabilang tuhod niya sa takot. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Nakatayo pa rin siya sa gitna ng kalsada. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking driver ng motorsiklo na nakatihaya na at wasak ang unahan ng motor nang bumangga ito sa nakapark na kotse nang iiwas ang motor para hindi siya masagasaan.

"O—Oh my ghad!" bulalas niya para sana saklolohan ang lalaki pero may ilang estudyante nang lumapit dito. Buti at may helmet ito kaya protektado pa ang ulo.

"Madam!" sabi ng bodyguard niya na nasa likuran na niya kaya napakagat siya sa ibabang labi. "Wala na raw kayong pasok kaya pinapasundo ka na ng tatay mo."

"K—Kuya... P—Pwede bang mamaya na?"

"Madam, pasensya na po kasi ginagawa ko lang ang trabaho mo."

"K—Kuya."

"Madam, please," magalang na sabi nito sabay turo sa van na binuksan ng driver kaya padabog na pumasok siya. Noong huling sinuway niya ang mga ito, napatalsik ang bodyguard kaya ayaw niyang mawalan ng trabaho ang mga ito dahil sa kanya. Hindi basta-basta ang bodyguard niya dahil tapat ito sa agency na pagmamay-ari ng Tito Alas niya na ang iba ay trained pa mula sa isang isla na pagmamay-ari ng mga Angeles.

Pagdating ng bahay, nadatnan niya ang mga magulang na nasa pavilion.

"Good afternoon po, tatay," magalang na bati niya saka humalik sa pisngi ng mga magulang.

"Kamusta ang klase ng babygirl ko?" tanong ni Ace saka inakbayan ang anak. "May nambu-bully ba sa 'yo?"

Umiling si Kaitlyn saka naupo sa tabi ng ina na kakatapos lang magtanim ng mga bulaklak.

"Paano ako mag-bully eh, wala ngang lumalapit sa akin," nakalabing sagot ni Kaitlyn.

"Ha? Bakit?" tanong ni Ace.

"Dad? Tingin mo may lalapit sa akin eh, bantay-sarado ako ng mga bodyguards ko?" nakalabing sagot niya.

"Hindi ka naman nila binabantayan sa loob ng paaralan a," depensa ni Ace dahil gusto lang niyang mag-ingat sa anak lalo na't madami na ang kidnapping at human traficking na nangyayari ngayon dulot na rin sa kahirapan. 'Pag pera na ang pag-usapan, nagiging halang ang kaluluwa ng mga sindikato.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon