8

1.6K 187 72
                                    







Unedited...





Orange POV



"Nay?" tawag ko at agad na humalik sa kanang pisngi niya.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Nanay Ayesha saka hinaplos ang kanang pisngi ko. "Busy ka na naman sa pagmo-motor mo?"

"Hindi a. Nakatulog lang ako sa condo ko," sagot ko.

"Gusto mo ba talaga na mag-seperate ng tirahan, ha?"

"Nay, gusto ko lang ng personal space. Hindi na po ako bata," sagot ko. Ayaw na ayaw pa naman nila na umalis ako rito kina Lolo Black dahil natatakot sila na baka kung ano ang gagawin ko.

"Baka kung ano na naman ang ginagawa mo kapag mag-isa ka lang, ha!"

"Sinabi mo pa, nanay. For sure palaging may dalang babae 'yan sa unit niya," sabat ni Ate Fuchsia.

"Ate naman," wika ko at napatingin sa mga kapatid kong maiingay na naglalaro sa sala.

"Pwede ba, 'wag nga kayong magkalat! Hindi natin 'to bahay!" galit na saway ni Kuya Green Maroon sabay kuha ng mga nakakalat na gamit pero patuloy pa rin ang mga kapatid ko sa paglalaro na para bang walang narinig.

Sampu kaming magkapatid kaya parang kaming isang barangay kapag magsama lalo na't mga pasaway ang mga kapatid ko. Sina Ate Fuchsia at Green Maroon ang panganay. Ako ang pangalawa. Triplets naman ang pangatlo at quadruplets ang pang-apat.

Shit! Naalala ko na naman si Kaitlyn. Paano kapag buntis siya? Mula pa naman ako sa lahi ng mga kambal. Wala pa akong trabaho dahil nag-aaral pa ako. Partime ko lang ang pagmo-modelling. Malaki naman ang savings ko sa bangko at may mga passive income na rin ako pero wala ito sa kalingkingan ng asset ng pamilya namin ni Kaitlyn.

"Dito lang muna kayo, iinitin ko lang ang dala kong ulam," paalam ni Nanay at tumungo sa kusina kaya sinundan ko.

"Nay?" tawag ko.

"May kailangan ka?"

Hindi ko alam kung paano ko simulan ang itatanong ko.

"Paano ba malaman kung buntis ang isang babae?" pabulong na tanong ko.

"May nabuntis—" hindi na niya natuloy nang takpan ko ang bibig niya.

"Nay naman, kailangan sumigaw?" Inalis ko ang kamay ko.

"May nabuntis ka?" pabulong na sabi niya sabay hampas sa balikat ko. "Hoy, Orange! Aminin mo sa akin, nakabuntis ka?"

"Hindi ah," tanggi ko. "Grabe ka naman. Yung kaibigan ko, nagtatanong kasi hindi pa dumadating ang period ng girlfriend niya," pagdadahilan ko.

"Yang ganyang palusot, Orange!"

"Hindi ako nagbibiro, nanay. I swear. Gusto mo tawagan ko pa ang kaibigan ko."

"Sige, tawagan mo!" nakapamewang na sabi niya kaya kinabahan ako.

"Wala ka ba talagang tiwala sa akin?"

"Wala!" sagot niya. Damn, sabi ko na nga ba.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Paul.

"Oh, dude!" sagot niya kaya ini-loudspeak ko.

"Di ba nagtatanong ka tungkol sa girlfriend mong kung buntis?" tanong ko. "Dumating na ba ang period niya?"

"Hindi pa nga e. Negative naman nang nag-test kami kanina pero delayed siya."

"Eh di hindi siya buntis," sabi ko.

"Delayed nga siya. Putiks! Patay ako sa mommy ko nito," sabi nito.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon