12

1.9K 196 61
                                    










Unedited...










"Dude, pupunta ka ba sa bar mamaya?" tanong ni Paul. "Tutal Sabado naman."

"Titingnan ko," sagot ko.

"Sige na, punta ka na. Wala ka namang gagawin bukas e."

"Depende," sagot ko. "Baka uuwi ako sa Nueva Vizcaya." Ako lang yata sa aming magkapatid na madalang umuwi sa probinsya.

"Hmm? Okay lang pero hinahanap ka rin nina Steffi," sabi nito. Mabait naman si Steffi sa akin. Actually, ako ang rason kung bakit napapayag ko siyang maging model sa CA company.

"Hayaan mo siya. Basta uuwi ako mamaya," sabi ko. Nangako ako kay Nanay na uuwi ako dahil mag-picnic kami bukas sa burol na nasa labas ng bahay. Isa pa, pagod na akong puro na lang buildings at sasakyan ang nakikita ko. Gusto ko nang lumanghap ng sariwang hangin at makisama sa mga katutubong bugkalot.

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" tanong ni Paul.

"No," sagot ko. "Kayo na lang. Mapapayag nyo naman si Steffi e."

"Crush ka nya eh," sabi ni Winter.

"Hayaan mo siya."

"Wee? Akala ko ba trip mo siya," sabi ni Paul.

"Sa 'yo na lang kung gusto mo," sabi ko.

"Himala. Ikaw pa naman ang gustong kumuha ng number niya eh," sabi ni Winter. Okay, maganda siya, matangkad at beauty queen nga. Marami rin ang nagkakagusto sa kanya kaya nakaka-challenge.

"Wala talaga ako sa mood ngayong gabi," sabi ko.

"Okay. Kami na lang pero hindi namin sasabihin na hindi ka makakapunta. Kapag dumating sila, saka na namin sabihin na hindi ka pala makakapunta kasi pinapauwi ka ng parents mo," sabi ni Paul.

"Bahala kayo," sagot ko.

"Uy, Kaitlyn!" tawag ni Paul nang mapadaan sina Kaitlyn kasama ang mga kaibigan nito. "Hello, kamusta?"

"Okay lang," sagot ni Kaitlyn na kay Paul nakatingin.

"Grabe, hindi ka nagre-reply a. Iba naman yung bigay mo na number, hindi ko makontak," sabi nitong si Paul. Kapal ng mukha para humingi ng number ni Kaitlyn sa harap ng maraming tao.

"Ah, baka mali lang," sabi ni Kaitlyn.

"Ano ba ang tamang number mo?" tanong ni Paul kaya hindi ko inalis kay Kaitlyn ang mga mata. Subukan lang niyang ibigay ang tamang number niya at sisirain ko talaga ang simcard niya. Of course, kaibigan ko si Paul at alam kong hindi talaga mabuting makipaglapit siya rito. Sino ba ang nasa tamang pag-iisip na habang sila pa ng ex-girlfriend nito ay marami na ang nililigawan? Isa pa, pinainom niya ng gamot ang ex-girlfriend nito kaya nagkaroon ng period. Yung premarital sex kaya ko pa 'yon pero yung abortion, hindi talaga ako sasang-ayon doon.

"Ah, hindi ko rin memorize e. Lowbat ako," sagot ni Kaitlyn na napasulyap sa akin.

"Kaitlyn? Tara na," yaya ng kasama nito.

"Sige na, guys. May swimming pa kami kaya maiwan muna namin kayo," palaam niya at sumunod na sa mga kaibigan.

"Uy, may swimming pala sila," sabi ni Winter. "Kung kaklase lang sana natin sila."

"Ang ganda talaga niya," sabi ni Paul habang sinusundan ng tingin si Kaitlyn. "Potik, pare! Kapag sya ang syota ko, hindi ko talaga siya papakawalan!"

"Asa ka pa. Sa higpit ng pamilya niya, malamang hindi ka makakaporma sa kanya," sabi ni Winter. Buti pa 'to, ginagamit ang utak.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon