29

2.3K 219 97
                                    








Unedited...

.




*******Kaitlyn's POV*********










"May balita ka ba tungkol sa nagpakalat ng marriage certificate natin?" tanong ko habang kumakain kami ng dinner.

"Wala pa."

"Wala pa o hindi mo inaasikaso?"
Tumigil siya sa pagkain saka tumingin sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Nagagandahan lang ako sa asawa ko," sagot niya kaya napataas ang kilay ko. Halata kasing nambobola ito.

"Hindi ako nakipagbiruan, Orange!"

"Why? Hindi ka ba nagagandahan sa sarili mo?"

"Crush mo ba ako?"

"Woah! Masyado ka namang exaggerated.  Nagagandahan lang, crush na agad?"

"Wag monh ibahin ang topic!" inis na sabi ko. "Ano na ang balita sa imbestigasyon mo?"

"Wala pang balita," sabi niya. "Whoever did it, I'm sure pinag-isipan naman niya nang maigi. Isa pa, wala namang problema kasi inamin ko na kasal na tayo," anito saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Wait, should I tell them na ikaw ang asawa ko?"

"Gusto mong malunok pati kutsara?" pagbabantang tanong ko.

"Bakit ba kasi napakamaldita mo?" pikong tanong din niya. "Paano ko mapa-imbestigahan eh, busy nga ako sa pag-asikaso kanina ng kaso sa mga nagpakalat ng fake news!"

"Kaya nga isama mo na ang nag-post ng marriage certificate natin."

"Hindi naman 'yun kasama sa fake news."

"Hindi ba, Orange? Nakikisawsaw na sila sa privacy natin. Unless, ikaw ang nagpakalat?"

Napatingin siya sa akin kaya sinamaan ko ng tingin.

"Tingin mo ako ang nagpakalat ng marriage certificate natin?"

"Hindi ko rin alam, Orange. Kaya nga tinatanong kita."

"Kumain ka na nga. Kung ano-ano ang iniisip mo eh," sabi nito saka nilagyan pa ng ulam ang plato ko.

"Ayaw ko lang na maistorbo ang private life ko at pag-usapan," depensa ko. Pagod na talaga ako.

"So okay lang pala sa 'yo na ma-link ako sa iba kaysa sa malaman nila na ikaw ang asawa ko. Nakakatampo ka na ha."

"Wala namang masama kapag walang nakakaalam sa kasal natin kasi maghihiwalay naman tayo."

"Maghihiwalay?" tumaas ang boses nito. "Kaitlyn naman. Bago mo sukuan ang kasal, subukan mo munang ayusin. Pag-usapan natin. Isa pa, wala naman tayong problema sa kama. Try mo rin kayang mag-adjust at subukan na maging mabuting asawa sa akin? Hindi yung puro ako na lang. Naririndi na ako sa annulment na 'yan!" mahabang litanya niya kaya hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya hanggang sa matapos kaming kumain.

Nang matapos ko ang assignment ko, nahiga na ako sa kama at tinawagan ang kapatid ko para kumustahin sina Tatay. Ayun, busy pa raw sa business at hindi pa nakauwi.

Napatingin ako kay Orange nang pumasok kaya tinapos ko na ang pag-uusap namin ng kapatid ko.

"Pwede bang wag kang matulog dito kahit ngayon lang?" tanong ko pero tumabi pa rin siya sa likuran ko at naki-share ng kumot. "Orange, ano ba? Lumabas ka na. Bitiw!" hinampas ko ang kamay niya na pumulupot sa bewang ko.

"Wag ka ngang malikot," saway niya. "Payakap lang."

"Orange, ang init! Usog ka nga!" sabay tulak ng katawan ko dahil mahuhulog na ako.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon