18

2.3K 213 48
                                    














Unedited...




Kaitlyn's Pov





"Bakit hindi ka natuloy kagabi?" tanong ni Burhan kay Paolo.

"Hindi ako pinayagan," sagot ni Paolo.

"Sayang. Ang ganda ng laban," sabat ni Renan.

Nasa likuran ko lang silang tatlo kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Sino nanalo sa solo?" tanong ni Burhan.

"Si Orange," sagot ni Burhan. "Speaking. May bago pala siyang girlfriend?"

"Kailan pa siya nawalan ng babae?" tanong ni Burhan. Oo nga naman. Kailan pa ba siya nawalan ng babae?

"Pero dude, nandoon si Steffi kagabi."

"Natural, girlfriend niya," sabi ni Burhan.

"No. Iba ang babaeng dala niya," sabi ni Renan kaya kinabahan ako. Nakilala kaya nila ako? Tinanggal ni Orange ang facemask ko kaya baka namukhaan nila ako kahit na nakatalikod.

"Sino?"

Napakagat ako sa ibabang labi.

"Hindi rin namin alam. Walang nakakilala dahil naka-facemask e. Nakatalikod naman nang maghalikan sila," sagot ni Burhan.

"Hayaan mo na sila. Buhay nila 'yan," ani Paolo. Buti pa 'to at hindi tsismoso.

"Pero dude, marami-rami na rin ang natuwa dahil alam mo na, pwede nang pumorma kay Steffi," sabi ni Burhan.

"Tingin mo ganun na lang kadali makuha ang babae ni Orange?" ani Renan. "Sabi ng mga kaibigan ni Steffi, nag-away raw sina Orange at Steffi kaya nagdala ng ibang babae si Orange para pagselosin si Steffi. Kita mo, hindi niya pinakita ang mukha ng babae."

"Hard to get kasi si Steffi. Strong din ang personality niya kaya hindi basta-bastang sumusuko kay Orange," sabi ni Burhan kaya itiniklop ko ang binabasa kong notes. Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig. So, kaya pala ang lakas maka-PDA kagabi dahil pinagseselos lang niya si Steffi at ako ang ginamit niya? Magaling!

"Oh, ba't salubong na naman ang kilay mo?" natatawang tanong ni Rose Ann nang pumasok pero hindi ko pinansin. "Hala, pinagalitan ka sa inyo? Dahil ba sa night out natin last Friday?"

"Wala ako sa mood makipag-usap, please lang!" pilit na sagot ko. Nandidilim yata ang paningin ko dahil sa narinig.

"Dude, labas muna tayo. Wala pa namang guro," narinig kong yaya ni Renan sa dalawang kaibigan kaya sumunod ang mga ito sa kanya.

"Nakaaral ka na?" tanong ni Rose Ann.

"Wala akong gana," sabi ko. Dahil kay Orange, hindi ako nakapag-aral kagabi dahil madaling araw na kami nakauwi. Stored knowledge na lang 'to mamaya kapag mag-quiz.

"Mukhang badtrip ka nga," wika ni Rose Ann. "Okay, makikinig ako kapag ready ka nang magkwento."

As if na magkwento ako. Alangan naman sabihin ko kung ano ang ginawa namin ni Orange kagabi?  No way!

Wala ako sa mood nang magsimula ang klase kaya nang mag-quiz, wala akong maisagot kahit na alam ko naman ang sagot noong isang araw. Na-mental block ako na kahit anong isip ko, walang pumapasok na sagot sa utak ko.

"Anong nangyari? Bakit ang baba ng score mo?" nag-aalalang tanong ni Geen habang naglalakad kami patungo sa canteen. "May problema ka ba? Share mo sa amin."

"Kanina pa 'yan wala sa mood," sabi ni Rose Ann. "Tara, kain na nga tayo dahil baka gutom lang 'yan."

Marami-rami na ang tao kaya pumila kami ni Geen. Si Rose Ann ang nakaupo para bantayan ang table namin dahil baka mawalan kami ng space.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon