3

1.8K 163 18
                                    










Unedited....










Pagmulat ng mga mata ni Kaitlyn ay agad na napahawak siya sa sumasakit na ulo pero nakaramdam din siya ng kaunting kirot sa pagkababae kaya muli siyang napapikit at kinapa ang cellphone sa gilid ng kama para tawagan ang yaya na magdala ng fresh milk.

Napakunot ang noo niya nang may dumantay sa kanyang katawan kaya napatingin siya sa katabi.

Natigilan siya nang magmulat ito nang mga mata at nagkatitigan sila ng ilang segundo.

"Kyah!" malakas na tili niya sabay tayo kaya mas lalong lumaki ang mga mata ng binata. Na-realize naman ni Kaitlyn na hubo't hubad siya kaya mabilis na hinablot niya ang kumot at itinakip sa katawan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kahubaran nito kaya agad siyang tumalikod. "Oh my g—ghad! Ano ang ginagawa mo rito?" Hindi pa rin niya kayang humarap.

"Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan?" inis na tanong ni Orange at napahawak sa ulo. Nahihilo siya. "What the—motherfucker!" inis na wika niya saka hinablot ang towel at tinakip sa bewang. "Bakit nandito ka?"

"Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan?" tanong ni Kaitlyn na parang binagsakan ng langit at lupa. Litong-lito pa siya.

"At kailan ka pa nawala ng bente kwatro oras sa bahay ninyo?" pikong tanong ni Orange. Sa dinami-dami ng babaeng magisnan niya, si Kaitlyn pa talaga?

"Oh shit!" ani Kaitlyn at humarap sa binata. Buti naman at nakatapis na ito ng tuwalya pero naiilang pa rin siya dahil topless ito. Hinanap niya ang cellphone pero hindi niya mahanap. "Where's my phone?"

"Lost and found ba 'ko?" sagot ni Orange at pinanood ang dalagang isa-isang pinulot ang saplot at muling isinuot. Naupo si Orange sa couch at pilit na inalala ang nangyari kagabi. Kinuha niya ang mineral bottle na nasa bedside table at ininom. "Bakit ba kasi nandoon ka kagabi?"

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan? Invited din ako!" inis na sagot ni Kaitlyn.

Birthday ng kaibigan niyang si Rose Ann. Syempre invited siya dahil bestfriend nila ito ni Geen.

"Damn," ani Orange nang mapasulyap sa magulong kama at kaunting patak ng dugo sa higaan. Sa lahat ng pagkakamali niya, ito na yata ang pinakamalala na at alam niyang pagsisisihan niya sa buong buhay niya.

"Bakit ba kasi nandoon ka sa party kagabi?" napapadyak na sabi ni Kaitlyn. Gusto niyang maiyak pero hindi sa harapan ni Orange.

"Invited kami. Syempre model kami ng mommy niya!" salubong ang kilay na sagot ni Orange dahil isa sa mga designers nila ang ina ni Rose Ann. "At ikaw? Bakit wala kang bodyguard, ha?"

"Hindi ko naman alam na may nakahalong katulad mo na nandoon!" sagot niya sabay irap.

"Masyado talagang mataas ang tingin mo sa sarili mo, ano?" sabi ni Orange na naikuyom ang kamao. Turn-off sya sa mga babaeng matapobre at ginagamit ang yaman para magyabang. Lumaki siya sa probinsya na kung saan, pantay-pantay ang turing nila sa kapwa, mahirap man o mayaman.

Isang guro ang kanyang ama sa Macdu Elementary school sa Kayapa Nueva Vizcaya at nurse naman ang kanyang ina. Sanay rin sila makihalubilo sa mga katutubong Bugkalot at malayang mamuhay nang walang kinakatakutan o may kasamang bodyguards. Unlike nitong babaeng kaharap niya na binuhay bilang isang prinsesa.

"Nagsasabi lang ako ng totoo!" depensa ng dalaga.

"Talaga?" ani Orange at napangisi saka lumapit kay Kaitlyn.

"H—Hey!" natarantang wika ng dalaga. "A—Ano ang gagawin mo? Lumayo ka nga sa akin!"

"Tell me honestly, Kaitlyn! Nilasing mo ba ako para pagsawaan ang katawan ko?" seryosong tanong ng binata. Wala talaga siyang maalala sa nangyari pero sigurado siyang may nakaniig siya kagabi dahil hanggang ngayon, ramdam pa niya ang init ng katawan nito sa kanyang balat at pati na rin ang amoy nito na nanunuot sa kanyang ilong.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon