11

1.9K 195 36
                                    







Unedited....






Kaitlyn's POV




Hindi ko siya nire-reply-an. Bahala siya. Kung gusto pala niya ng buhay binata, eh di sana hindi na lang kami nagpakasal or sana man lang magpa-annul na kami. Ano ba ang mali kung annulled ang civil status naming dalawa? Wala naman sigurong makakaalam.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Elias nang lumabas sa classroom.

"Wala lang. Ang tagal mo kasing lumabas," sagot ko.

"Sorry na, busy lang," paumanhin niya saka inakbayan ako nang mapansing may babaeng palapit sa amin.

"Elias, busy ka ba? Gawa na tayo ng group project mamaya," tanong nito nang lapitan kami.

"Sorry, Claire. Sasamahan ko lang ang pinsan ko. May mahalagang bagay kaming pupuntahan," sagot ni Elias.

"Wala naman—ah, oo. You promised me," nakalabing sabi ko nang ma-gets ang nais nitong ipahiwatig. Syempre to the rescue na naman ako sa pinsan kong 'to.

"Okay pero bukas, agahan mo pang pumasok para makapaghanda tayo," nakabing sabi ni Claire.

"Okay. Sige na, see you tomorrow," pagpayag ni Claire.

"Sino na naman 'yon at tinanggihan mo?" tanong ko.

"Claire Bartz. Wala, sa group assignment lang namin," depensa niya.

"Uy, mukhang type ka niya a. Ganda naman," tukso ko na ikinasimangot niya.

"Pwede ba? First year pa lang tayo kung ano-ano na ang iniisip mo," saway niya.

"Suplado ka talaga," ani ko. "Ano kung first year? Iba nga high school pa lang may jowa na."

"Hindi ako sila," sabi nito.

"Parang gusto ko nang isipin na beks ka," biro ko pero tinusok niya ang tagiliran ko.

"Ikaw kung ano-ano ang iniisip mo," sabi niya sabay pingot sa ilong ko.

"Ouch!" daing ko.

"Tara na nga! Baka late pa tayo sa pictorial," yaya niya dahil may pictorial pala sa company ngayon para sa bagong release na design ni Lola Anika.

Sabay kaming dumating sa venue. Nang dumating kami, nag-uumpisa na sila kaya naupo ako sa tabi.

"Sir, okay na ho ang wardrobe ninyo," sabi ng assistant ng photographer na lumapit sa amin.

"Wait, bihis lang ako," paalam ni Elias. Nandito lang naman ako para sumuporta sa kanya.

"Uy, nandiyan na ba ang team krayola?" tanong ng isang model.

"Tatlo lang ata ang nandiyan," sagot ng kasama. "Yung sina Fuchsia, Green Maroon at Orange."

"Good afternoon guys," bati ni Fuchsia nang pumasok kaya napatingin ang mga ito sa tatlong magkapatid.

"Afternoon," bati ng isa sa mga photographers at lumapit sa kanila. Walang nagsasalita pero panay naman ang sulyap ng mga ito sa magkapatid. Ang seryoso ng mukha ni Green Maroon. Humiwalay ito sa magkapatid at pumunta na sa dressing room.

"Sir, kasama na kayo ni Steffi," sabi ng photographer.

"Bakit?" tanong ni Orange.

"Couple ho ang isho-shoot sa inyo," sagot nito.

"Okay, bihis lang ako," pagpayag nito at sumunod kay Green Maroon.

"Okay na ba?" tanong ni Elias nang lumabas kaya napangiti ako.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon