22

2.3K 194 52
                                    




Unedited...




Kaitlyn's POV

Lunes, wala na akong balita kay Orange dahil hindi pa ako umuuwi pero siya na ang bungad ng mga marites na kesyo hindi raw nag-propose kay Steffi at wala namang engagement na nangyari. Tsk! Paano magkaroon ng engagement eh, hindi pa nga tapos ang party, tulog na ang mokong.

"Himala, wala ka yatang bodyguard," sabi ni Rose Ann nang lapitan ako.

"Wala ba sila sa labas?" tanong ko.

"Wala."

"Sure ka?" tanong ko.

"Oo nga."

Ngayon ko lang napansin na walang sumusunod sa amin mula kahapon. Day off ba nila?

"Baka nagtatago lang," ani ko. Ganyan naman sila, minsan magulat na lang ako na biglang sumusulpot.

"Mabuti nga at makagala na tayo nang hindi ka nagpapaalam," sabi ni Rose Ann.

"Yaan mo na. Mayroon o wala, kaya ko naman na ang sarili ko."

"Right!" pagsang-ayon niya. "By the way, bakit daw hindi naganap ang engagement nina Orange? Akala ko ba mag-propose siya?"

"Hindi ko rin alam," sagot ko. Iyon din ang inaabangan ko pero iba naman ang nangyari.

"Tsk! Tama kaya ang hinala nina Burhan na may ibang babae siya?"

"Wag mo na silang problemahin," sabi ko.

"Pero malamang, hindi talaga magpapatali si Orange. Ang bata pa niya para mag-asawa at for sure, mag-annul lang sila ni Steffi dahil si Orange ang tipo ng lalaking kahit na buntis ka, may lalapit at lalapit talaga na babae sa kanya. Ang babaero kaya niya kaya malamang na himala lang kapag magpakasal ito!" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Kung hindi ko lang siya kaibigan, baka nasapak ko na siya. Kaso hindi naman niya alam ang relasyon namin ni Orange.

"Hindi ako interesado," sabi ko.

"Kaya idol kita eh," sabi ni Rose Ann sabay akbay sa akin. "Kasi ikaw lang ang walang pakialam sa kanya at hindi nadadala sa pagiging bolero niya."

"Sa ganda ba naman ni Kaitlyn, hindi na niya kailangang maghabol sa kagaya ni Orange, ano. Ang dami niyang masusungkit kapag gustuhin niya," sabat ni Geen nang lumapit sa amin.

"Sus, sinabi mo pa. Kaya nga idol ko tong kaibigan natin dahil hindi maloko ng kagaya ni Orange," proud na sabi ni Rose Ann. Sorry, Lord. Mali talaga ang iniisip nila. Parang ako yung babaeng mahinhin at tila Maria Clara kung kumilos pero ako pa itong may lihim na tinatago, nauna pang isuko ang virginity.

"Wala naman tayong pasok, may tatlong oras pa kaya tara, gala na," yaya ni Geen.

"Pero—" napaisip ako. Baka kasi may guards na namang susulpot.

"Tara na, Kaitlyn. Hayaan mo na ang bodyguards mo. Okay lang sa amin kahit na nandiyan sila," sabi ni Rose Ann.

"Oo nga. Sanay na kami," pagsang-ayon ni Geen kaya napilitan akong sumama sa kanila. Nakarating kami sa mall nang wala akong makitang bumubuntot sa akin.

Kumain muna kami at nag-window shopping.

"Uy, tara sa loob," yaya ni Geen nang mapadaan kami sa shoe shop.

Naghanap ako ng mabibili. Hindi naman mahalaga ang price dahil kapag gusto ko ay nakukuha ko. Syempre unlimited ang credit card ko.

"Oh, look who's here!" sabi ni Jessica na pumasok. Kasama nito si Steffi. "Hey, Kaitlyn!"

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon