Unedited....
Kaitlyn's POV
Napamulat ako nang maamoy ang masarap na luto.
"Orange!" sabi ko at napasulyap sa wall clock. Alas dies na pala ng umaga.
"Nagising ba kita?" tanong niya. Topless siya. Naka-shorts lang kaya nakita ko ang marka sa dibdib niya.
"I was bitten by a small kitten," wika niya na para bang nabasa ang iniisip ko.
"Ang aga mo namang nagising," sabi ko. Dapat ako ang mauna kasi siya ang lasing kagabi e.
"Pasado alas otso na rin naman akong nagising. Bumangon ka na, kain tayo. Nagluto ako ng tinolang manok. Ito na lang ang natira sa ref ko na pwedeng sabawan."
Naupo ako sa kama at pinagising ang diwa.
"Maghilamos lang ako," sagot ko. Napatingin siya sa katawan ko kaya ngayon ko lang napansin na wala pa pala akong saplot. Inabot niya ang tuwalya kaya ipinulupot ko sa katawan saka tumayo.
"Eh? Orange!" bulalas ko nang pagpasok sa shower room ay may tatlong condom sa basurahan.
"Oh?" tanong niya na pumasok. "May problema ka ba?"
"Bakit dito mo itinapon ang condom?"
"Saan ba dapat?"
"Makita kapag magtapon tayo!" reklamo ko.
"Hindi 'yan a."
"Ah, basta! Ibalot mo ng tissue tapos ilagay sa black na supot para hindi makita!" utos ko.
"Arte mo!" anito pero sinunod naman ang gusto ko. "Sayang 'yung babies ko oh! Tinapon mo lang sa basurahan."
"Eh di i-donate mo sa mga babae mo!" suhestiyon ko.
"Ayaw kong magkaanak ng bastardo!" sabi nito. "Sa 'yo na lang tutal asawa naman kita."
"Hey! Tumigil ka!" saway ko."Labas na! Maghihilamos ako."
"Psh! Sa susunod, hindi na ako gagamit ng condom. Pasalamat ka at lasing ako kagabi kaya pinagtiisan ko 'yan."
"Tigilan mo 'ko! Wala nang susunod!"
"Yan din sabi mo noong una, Kaitlyn."
"Eh kasi—" singhal ko saka sinamaan ng tingin. "Wag ka nang tumabi sa akin!"
"Lasing po ako kagabi kaya hindi ko na ma-control ang sarili ko. Pasalamat ka nga at iniuwi pa kita kagabi."
"Hindi kita pinilit. Isa pa, akala ko ba uuwi ka?"
"I changed my mind. Sige na, maghilamos ka na at ihanda ko lang ang breakfast natin," anito saka lumabas kaya naghilamos ako at lumabas pagkatapos magsuot ng damit.
Naupo ako saka nagsimulang kumain kasama siya.
"Kailan ka uuwi?" tanong ko habang kumakain.
"Nextweek na."
"Pwede ka namang umuwi ngayon."
"Ayaw ko na. Babalik din ako agad, nakakapagod. Isa pa, kailangan kong magpahinga para sa laban bukas."
"Laban saan?"
"Racing," sagot nito. "Sa Pangasinan pa naman 'yun."
"Masaya ba roon?" curious na tanong ko.
"Kapag mahilig ka sa motorsiklo, maa-appreciate mo," sagot niya at nagsimula na ring kumain. "Oh, kumain ka nga nitong papaya. Payat mo na. Kaya walang sustansya ang katawan mo eh." Inilagay niya ang papaya sa plato ko.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...