36

2.8K 216 64
                                    







Unedited....









*********Rose Ann POV********






"Wala ako sa party," sabi ko habang nagkukwento si Geen sa akin nang nangyari sa party.

"Yun na nga. Dikit nang dikit si Steffi kay Orange, yun pala may balak. Buti at may naka-video."

"Syempre deny to the max na naman siya sa video. Wala ring sinabi si Orange tungkol sa video eh. Kahit na halata naman," sabi ko. Sayang, wala ako para mabantayan ang kilos nina Orange at Kaitlyn. Hindi kasi ako invited dahil hindi ako close sa celebrant at walang connection.

"Ano na?" tanong ni Geen.

"Anong ano na?"

"Sabihin mo na. Anong chika?" tanong nito. "Alam kong may ichi-chika ka sa akin."

"Fine," pagpayag ko dahil ilang araw na akong hindi nakakatulog. "Tingin mo, sino ang asawa ni Orange?"

"Haist! Masyado ka nang na-hook sa issue."

"Ayaw ko ng may tinatago sa akin!" sabi ko.

"Malay ko. Hindi kami close at hindi rin alam ni Winter. Wala akong idea. Jusko naman, Rose Ann. Hayaan mo na sila. Wala akong paki—"

"Kahit pa sabihin kong may idea ako kung sino siya?"

"Ha? Talaga? Sino?" excited na tanong niya sabay hawak sa kanang braso ko at niyugyog ako. "Sino na?"

"Hulaan mo nga."

"Ano ba yan? Hindi nga si Steffi. Wala na akong idea."

"Hindi rin ako sure," sabi ko. "Magaling silang magtago."

"Ha? Sino?"

"Hindi ko nga sure."

"Kahit na."

"Si Kaitlyn," sagot ko kaya nanlaki ang mga mata niya sabay bitiw sa braso ko. "Hindi ko sure yan ha. Hinala ko lang."

"Imposible," sabi niya. "Paanong si Kaitlyn? No!" sabi ko na nga ba, hindi siya makapaniwala e. "Paano mo naman nasabi?"

"Kasi naalala mo yung nag-text ako na dadaan sa unit ni Kaitlyn kasi nga natatae na ako?"

"Oh? Nakita mo si Orange?" bulalas niya.

"Hindi. Bunganga mo, may makarinig sa 'yo!" saway ko.

"Oh, tapos?" tanong niya na para bang nakiki-marites talaga.

"Nakita ko yung jersey number 8 ng Westbridge sa room ni Kaitlyn."

"Oh my ghad! Number eight si Orange!" sabi niya.

"Pero sabi niya kay Elias daw iyon. E hindi naman naglalaro si Elias at wala siyang jersey ng Westbridge."

"Oh my ghad! Sure ka ba riyan? Baka mamaya, na-misunderstood mo lang ha."

"Kaya nga hindi ako sure eh," sabi ko. "Pero isipin mo ha. Bakit pumayag si Tito Ace na magbukod si Kaitlyn ng bahay? At kailan siya bumukod? Hindi ba after na ng kasal ni Orange?"

"Paano mo nalaman?"

"Tingnan mo sa lumabas na marriage cert nandoon ang date. Nagkataon lang ba?" tanong ko.

"Oh my! Tama ka," sabi niya at tiningnan ang mga naka-post sa Facebook na marriage certificate ni Orange. "Oh my gosh! Tingin mo si Kaitlyn talaga?"

"Wala ngang confirmation. Ang hirap kasi niya talagang mahuli," pag-amin ko. "Tanong mo kaya?"

In A Secret Relationship?Where stories live. Discover now