24

2.7K 227 70
                                    









Unedited...










Kaitlyn's POV










I still have something. Nandito pa rin naman ang alahas and bags ko. Milyons pa naman ang price nito kahit na secondhand lang. Ang gold naman, pwede ko siyang ibenta higit pa sa presyong binili ko. Ito ang maganda sa gold, hindi siya nagmumura. Habang tumatagal, mas lalong nagmamahal lalo na't walang kapareho ang design nito. For sure marami ang mag-aagawan nito.

"Ba't parang namatayan na naman 'yang hitsura mo?" tanong niya nang pumasok sa kwarto.

"Mula nang makilala ko, nagkamalas-malas na ang buhay ko!" sabi ko. Totoo naman. Biglaan ang mga nangyayari.

"So, do you blame me?"

"What do you think?" baliktanong ko. Tumango lang siya. Akala ko makipagtalo pa siya pero isa-isa niyang kinuha ang mga bags saka ibinalik sa lagayan.

"Do you like your bags?"

"'Yan na lang ang natirang kayamanan ko," sabi ko. "Kung sakaling gipit, at least may makakapitan pa ako."

"Don't sell them," anito.

"Wala kang pakialam kung ano ang gagawin ko sa gamit ko. They're mine!"

"You're my wife kaya may pakialam ako. Kung gipit ka, I can provide your needs," sabi nito.

"Sooner or later, maghihiwalay rin tayo. You have your own path."

"You mean annulment?" tanong nito saka tinitigan ang malaking LV bag ko saka ibinalik sa lagayan.

"Yes."

Nilingon niya ako saka nilapitan.

"Hanggat buhay ako, walang annulment na magaganap."

"Mag-aaply ako!"

"I won't sign!"

"Wala kang magagawa, Orange! Ano ba ang problema mo? Walang-wala na kami! Mas may maitulong si Steffi sa 'yo at bagay naman kayo! Di ba gusto mo siya?" pikong sabi ko.

"I don't need her," sabi nito at yumuko saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Look at me, Kaitlyn."

Huminga ako nang malalim saka nakipagtitigan sa kanya. Kailangan ko siyang harapin at ipakita sa kanya na hindi ko siya uurungan. Ngayong nasa malapitan ko na siya, kitang-kita ko kung gaano kakinis ang pisngi niya. Ni wala man lang pores at ang tangos ng ilong nito at tila nangungusap pa ang mga mata. Kaya nga ang hirap nitong mapangasawa dahil alam kong marami akong makakalaban dahil ang babaeng handang bumukaka kahit na malaman pa nilang may asawa na ito.

"Do you like me?" tanong nito.

"N—No!" sagot ko kaya tinulak niya ako pahiga kasunod ng katawan nito. "O—Orange, ang bigat mo!"

"Let's shift!" anito sabay palit ng position sa akin. Tatayo sana ako pero mahigpit ang pagkahawak niya sa bewang ko. "O—Orange..."

"Hey..." excited na sabi niya. "Ikaw na lang kaya magdala."

"What?" mulagat na sabi ko.

"Sige na, ako na lang palagi eh," parang batang sabi niya.

"Orange, ayoko!"

"Tamad ka talaga!"

"I don't like it!" giit ko.

"Hmm? Really?"

"Really!" pinagmulatan ko siya. "Kaya bitiwan mo na ako dahil male-late na ako!"

"Mamaya na." sabay hila sa likod ko kaya napasubsob ako sa malapad na dibdib niya. Ugh! I hate him! Bakit ba ang bango ng mokong na 'to? "Five minutes, Kaitlyn. Wag ka munang gumalaw." sabay yakap sa ulo ko kaya hindi na ako nakipagtalo pa at ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon