21

2.1K 199 87
                                    

Unedited...



Kaitlyn's POV

Naging maingay ang scandal ni Orange sa paaralan. Walang naniniwala na hindi siya iyon. Well, mukhang siya nga talaga kahit na naka-sideview. Wala ring klaro ang mukha ni Steffi dahil nung humarap ay naka-blured na.

"Kain na," ani Orange na kakatapos lang magluto. "Naghanda ako ng breakfast natin. Okay na rin ang hotchoco mo."

"Kaya ko namang mag-prepare ng hot choco," sabi ko.

"Pero matagal pa. Ayan, nakahanda na."

"Thanks," pasalamat ko at naupo nang hilain niya ang upuan.

"Kaitlyn, kailan nga ang last menstruation mo?" tanong nito kaya napataas ang kanang kilay ko. "Syempre kailangan malaman ko para mabilang natin kung kailan ka safe or hindi."

"Hindi na kailangan dahil hindi naman ako makipagtalik na sa 'yo," sabi ko.

"Hindi ka sure riyan," sabi niya saka nilagyan ng kanin ang plato ko. "Pampalinaw ng mata ang kalabasa kaya kumain ka." Ginataang kalabasa na may malunggay at hipon ang niluto niyang breakfast namin.

"Pupunta ka ba mamaya sa party?" tanong ko.

"Syempre. Pwede bang mawala ako? Nandoon din ang parents ko," sagot nito. Invited kami sa party nila. Ang sabi ay anniversary ng toy business ni Lolo Sky kaya halos lahat ng business partner nila ay invited.

"Okay."

"Punta ka ha."

"Invited ang family ko," sabi ko.

"Good. At least magkikita tayo mamaya."

"Nagkikita naman tayo araw-araw kahit na ayaw ko."

"Ikaw—" gigil na sabi niya pero halatang nagpipigil. "Masyado kang mapanakit! Pag ako mawala, mami-miss mo rin ako."

"Feeling mo lang 'yan."

"Syempre. Wala ka nang mahanap pa na kagaya ko."

"Na maraming babae, you mean?"

"Na loyal!" sabi nito. "Kahit na ganyan ka, hindi kita papalitan."

"Ewan ko sa 'yo! Gusto ko ng annulment. Paano kung magmahal ako ng iba?"

"May balak ka?"

"Bata pa ako."

"Ano tingin mo sa akin, matanda?" sarcastic na tanong niya.

"Mas matanda kaysa sa akin. Isa pa, balita ko namanhikan na kayo kay Steffi," sabi ko. May narinig at nabasa akong nagkita sila sa hotel para pag-usapan ang engagement nila.

"Sinabi ko sa 'yo na pupunta ako ng hotel para asikasuhin ang gusot at hindi para mamanhikan!" parang luluwa na ang mga mata nito sa pandidilat.

"Buhay mo 'yan kaya wala akong pakialam." May litrato rin ng pag-uusap nila kaya hindi na ako magtataka kung mamayang gabi ay ianunsyo na ang engagement nila. "Pero kung kailangan mo ng annulment, handa akong makipag-cooperate."

Napatingin ako sa kanya na biglang tumayo at iniwan ako nang walang pasabi. Bahala siya. Nang matapos akong kumain, niligpit ko na ang pinagkainan at pumasok sa paaralan. Hindi na kami nagkita pa ni Orange hanggang sa mag-uwian. Dumiretso ako sa bahay dahil nandoon na raw ang makeup artist para ihanda ako sa party.

Si Nanay na muna ang inayusan pagkatapos naming kumain.

"Madam, pili ka kung ano ang isuot mo. Nandito ang mga bagong design," sabi ng designer ng kompanya.

"Yang white po," sagot ko. Isa sa mga advantage naming may clothing company ay available ang damit na isusuot anytime. Makapili pa ako ng mga gusto ko.

"Ay, bagay na bagay talaga 'yan sa 'yo, Madam."

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon