6

1.8K 182 25
                                    









Unedited....










Kaitlyn's POV










"Friend! Kamusta naman ang bagong bahay?" masayang tanong ni Rose Ann.

"Okay lang," sagot ko na hindi na mapigilang ngumiti. Noong isang araw lang ako at sinamahan nila ako sa first day ko pero ayun, panay ang tawag ni Nanay para kamustahin ako.

"Malayo ka na sa guwardiya mo kaya pwede na tayong mag-party!" masiglang sabi ni Rose Ann.

"Anong party?" tanong ni Ma'am Mary Jean na nasa likuran pala namin.

"Morning, Miss Luna," bati ko.

"Ano na namang party ang narinig ko?" tanong niya. "Kayong mga bata kayo ha."

"Ah, lumipat na ho kasi siya sa condo, Miss Luna kaya pwede na kaming manood ng Netflix every weekends sa unit nya," paliwanag ni Rose Ann.

"Ah sus, kayong mga bata talaga," sabi ni Ma'am Mary Jean at iniwan na kami.

"Si Geen?" tanong ko.

"Absent daw dahil nilalagnat," sagot ni Rose Ann saka binuksan ang kape na binili sa Starbucks.

"Talaga? Hindi man nag-chat sa groupchat," sabi ko at napatingin kay Orange na sinalubong ng babae saka may inabot itong box na obvious naman na kung hindi cupcake, cake ang laman.

"Iba talaga kapag gwapo at mayaman, habulin ng babae," napailing na sabi ni Rose Ann na nakatingin kay Orange.

"Di ba gusto mo siya?" tanong ko.  "Kilig na kilig ka pa nga noong isang—"

"Depende sa mood ko," sagot niya. "Ang bait kasi niya noong nabangga ko pero alam ko naman na sa dami ng babae, suntok sa buwan na magustuhan niya ako. Isa pa, mukhang barumbado siya. Ang dami niyang kaaway e."

Natahimik ako. Kinuha ni Orange ang box at ngumiti sa babae kaya napataas ang kilay ko.

"Pero mukhang friendly naman siya," ani Rose Ann. "Sino ba talaga ang girlfriend niya? Sa dami ng babaeng nali-link sa kanya, parang wala pa naman siyang official na girlfriend."

"Bakit ba siya ang topic natin?" inis na tanong ko. Malamang sa dami ng babae nito, nahirapan itong pumili ng gawing official sa public. Syempre doon na siya sa safe.

"Ewan ko. Nakita ko lang siya e," aniya. "Pero maganda ka naman friend, baka sakaling magustuhan ka niya."

"Excuse me?" ani ko at sinundan ng tawa. "Malabo," dagdag ko na nakaramdam ng inis. Plastik ba ako? Kung alam ko naman na kahit walang kami, may nangyari na sa amin? But it was a mistake. A biggest mistake na pinagsisisihan ko sa buong buhay ko.

"Bakit malabo? Maganda ka naman, mayaman at matalino. Ang dami kayang gustong manligaw sa 'yo kaso strict lang ang bodyguards mo na ayaw ka nilang palapitan," sabi nito sabay tawa kaya napasimangot ako. Naalala ko noon na may lumapit lang na schoolmate para sana magbigay ng loveletter kaso biglang lumapit ang bodyguard ko kaya mabilis na tumakbo. Mula noon, wala nang nagtangkang makipaglapit sa akin.

"Change topic, please," pakiusap ko.

"Okay po. By the way, movie marathon tayo sa Friday," sabi nito. "Kami na ang bahala ni Geen sa food."

"Ay, uwi ako sa bahay," sagot ko.

"Oo nga pala. Every weekdays ka lang sa unit mo," sabi nito. Ito ang usapan namin ng parents ko. Every weekdays lang ako sa condo ko at kapag walang pasok, uwi ako sa bahay namin.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon