27

2.2K 216 55
                                    













Kaitlyn's POV







Nakakainis naman talaga dahil nangungulit na naman si Orange. Oo, withdrawal yung ginagamit niya pero hindi daw 100% sure dahil sa pre-ejaculation kaya nagtatanong na naman ng last menstrual period ko. Hindi ko nga alam kung regular ako o hindi dahil hindi ko naman binabantayan. Basta 100% lang akong sure na monthly nagkakaroon ako ng menstruation.

Naramdaman kong may mga kamay na pumulupot sa bewang ko.

"Kain na tayo," yaya nito at ipinatong ang baba sa balikat ko.

"Mauna ka na."

"Sabay na tayo. Hindi naman ako nagmamadali eh."

"Orange, hindi pa ba nahanap ang nagpakalat ng marriage contract mo?" usisa ko.

"Hindi pa," sagot nito saka hinalikan ang batok ko. "Kaitlyn, wala pa ba ang mens mo ngayong buwan?"

"Sino ba ang nagsabing makipagsiping ka sa akin at mamroblema kung buntis ako o hindi?" tanong ko.

"Hmm? Gusto mo naman e. At least doon nagkakasundo tayo," sabi nito.

"Kay Steffi mo na lang kaya gawin?" suhestiyon ko.

"Ikaw naman ang asawa ko."

"Siya ang asawa mo sa publiko!"

"Wala ka talagang gusto sa akin, ano? Katawan ko lang ang habol mo!" sumbat nito saka pinakawalan ako. "Aminin mo nga sa akin, may crush ka ba?"

"Wala!" sagot ko.

"As in wala talaga?" usisa nito kaya hinarap ko siya. "Ako siguro ang crush mo, ano? Tingnan mo, ang gwapo ko."

"Sino nagsabi?"

"Mga babae," proud na sabi niya. "Kaya hindi na ako magulat kung crush mo rin ako. Aminin mo na, asawa mo naman ako eh."

Ngumiti ako saka humakbang palapit sa kanya. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat niya kaya sumalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.

"A-Ano ang gagawin mo?" tanong niya habang tinitigan ko siya.

"Wala, gusto ko lang titigan ka kung gwapo ka nga," sagot ko saka hinaplos ang kanang pisngi niya tapos hinipo ng daliri ang mapupulang mga labi. Ibinaba ko ang daliri sa baba niya and slowly traces his adam apple. Naramdaman ko ang paglunok niya.

Inilapit ko ang mukha ko saka idinikit ang mga labi namin.

"Gwapo ka nga," pabulong na usal ko. Hinapit niya ako saka inangkin ang mga labi ko. Hindi naman ito ang intensyon ko eh.

"O-Orange," sabi ko nang makawala ang mga labi ko. "Kakain na tayo."

"Later," aniya saka tinulak ako pahiga sa sofa.

"H-Hey, Orange! Ano ang gagawin mo?" tanong ko nang pumatong siya sa akin.

"You seduced me."

"I didn't!" tanggi ko.

"You did!" aniya saka hinalikan ako sa mga labi. I can't move lalo na't naging agresibo siya. Ugh! Hindi ko na uulitin 'to! Siya na lang palagi ang masusunod!


















--------Orange POV-------












Tumayo ako at inayos ang sarili.

"Kainis ka!" reklamo niya habang inaayos ang sarili.

"Lagi naman eh," sabi ko saka nginitian siya kahit na hindi na makain ang hitsura nito. "I told you, mabilis lang magising ang alaga ko."

In A Secret Relationship?On viuen les histories. Descobreix ara