20

1.8K 212 70
                                    



Unedited...







Orange POV







"What? Ako, may scandal? Sino ang matapang na nagkalat ng maling balita?" bulyaw niya. Paano kapag makarating kay Kaitlyn at maniwala ito? May pagkauto-uto pa naman 'yon kapag ibang tao ang magkwento.

"Oo, dude. Mayroon. Saan ka ba kagabi at nagka-scandal ka?" tanong ni Paul.

"Anong kagabi?" nagtatakang tanong ko. Eh, kaming mag-asawa ang magkasama kagabi. Kinabahan ako. Hindi kaya si Kaitlyn ang palihim na kumuha ng video at pinakalat sa social media? "Damn! Kinunan niya ako ng video kagabi?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Paano niya nagawa iyon sa akin?

"What?" bulalas ni Winter. "Don't tell us na ikaw talaga ang nasa video kagabi?"

"Sino ang nagpakalat?" tanong ni ko at naikuyom ang kamao. Gusto ba talaga niya sirain ang reputasyon ko? Pero kung sabagay, asawa ko naman siya kaya kapag masira ako, damay rin siya. Siya naman ang kasama ko kaya okay lang. So, ito ba ang paraan niya para ipaalam sa lahat na siya ang inuuwian ko? Hmm? Pwede na rin. Wala na rin naman akong dapat na ikahiya. Kung iyon ang gusto niya, be it.

"Hindi namin alam," sabi ni Paul. "Gusto mo pa imbestigahan namin?"

"Wag na," tanggi ko. Walang ibang magpakalat ng video namin kundi si Kaitlyn lang. Baka mas lalong magalit kapag tumutol ako sa gusto niya. Hindi pa naman kami okay sa hindi ko malamang dahilan.

"Okay lang ba sa 'yo na kumalat ang sex video mo?" tanong ni Winter kaya napatingin ako sa kanila.

"Anong sex video?" Hindi naman kami nag-sex kagabi ni Kaitlyn. Natulog lang kami dahil baka kapag mangalabit ako, baka hindi lang sipa ang maranasan ko kundi bugbog sarado pa. Nagmana ata siya sa tatay niyang walang alam kundi manggamit ng dahas.

"Scandal mo," ani Paul. "Dude, lahat nakakita na ng sex scandal ninyo ni Steffi kagabi."

"Steffi?" ulit ko.

"Oo, Steffi," ani Winter. "Wag mong sabihin na lasing ka at hindi mo alang ang pinag—"

"Si Steffi ang kasama ko sa scandal kagabi?"

"Don't tell me hindi mo alam? O baka hindi ikaw."

"Akin na ang video!" sabi ko. "Paano kami nagkaroon ng scandal dahil hindi ko naman siya nagalaw!" Inagaw ko ang cellphone ni Paul saka tiningnan ang video. Kamukha ko nga ang lalaki at pati na rin si Steffi. "No! Hindi ako 'to! Pwedeng si Steffi nga 'to pero hindi talaga ako 'to! Puro side view lang naman ang lalaki at hindi pa nakaharap! Isa pa, sa bahay lang ako kagabi!"

"Eh kung hindi ikaw, sino 'to?" tanong ni Paul na nagdududa ang mga mata.

"Wag mo 'kong matingnan nang ganyan, Paul! Kapag sinabi kong hindi ako, hindi talaga ako! Paimbestigahan n'yo 'yan! Baka edited lang 'yan!"

"Akala ko ba wag nang pa imbestigahan," sabat ni Winter.

"Hindi nga ako 'yan!" giit ko saka kinuha ang cellphone saka tinawagan ang asawa ko saka lumayo muna sa dalawa.

"Hello," bungad niya.

"Can we talk?" diretsahang tanong ko.

"We're talking," wala sa mood na tanong niya. Galit talaga siya.

"Personal. Wait kita sa rooftop."

"May gagawin pa kami."

"Fifteen minutes, hintayin kita. Kapag wala ka pa, puntahan kita sa kung saan ka man."

"Oo na!" halatang napilitang pagpayag niya.

"At—hello?" Tiningnan ko ang cellphone. Wala na, tinapos na niya ang tawag. Psh! May pagkabastos din siya eh! Akala mo kung sinong inosente, hindi lang nila alam na tigre talaga siyang klaseng asawa. Tsk! Wife material daw? Saan banda?

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon