16

2.8K 217 63
                                    

Kaitlyn's POV






"Rose Ann, sa katapusan pa nga 'yon," sabi ko habang nakipagtalo sa kanya rito sa hallway.

"Hindi ah. Sa Monday na," giit niya at hinarap si Geen na papalapit sa amin. "Uy, Geen! Di ba sa Monday na ang deadline ng pinapagawa ni Miss Luna?" tanong nito.

"Sa katapusan pa raw," sagot ni Geen.

"Oh, see? Sa katapusan pa, Geen, 'di ba?" singit ko.

"Oo. Yun ang pagkakarinig ko," sagot niya. "Bakit?"

"Sabi na eh. Ayaw niyang maniwala na sa katapusan na," sumbong ko kaya natahimik si Rose Ann.

"Ito rin paniwalaan na lutang din ang utak nito eh," sabi ni Geen. "In love ka na, no?"

"In love ka riyan!" sabi ni Rose Ann.

"Ano ba ang problema mo?" usisa ko dahil mukhang kanina pa ito hindi mapakali.

"Niyaya kasi ako ni Winter na mag-bar," sagot nito.

"Bar?" bulalas ko.

"Ay, kailan?" tanong ni Geen.

"Mamayang gabi kaso sabi ko baka pwede kayong isama," sagot niya.

"Ay, bawal ako," sagot ko.

"Minsan lang naman eh," sabi niya.

"Sama na tayo, Kaitlyn para masaya. Hindi naman tayo sasayaw at iinom e. Sasama lang,"  pangumbinsi ni Geen.

"Uwi ako mamaya," sagot ko. "Alam nyo naman na dapat nasa bahay ako tuwing weekends."

"Sus, minsan lang naman tayong gumala e."

"Magagalit nga—ay!" tili ko nang may tumusok sa tagiliran ko.

"Are you okay?"

"I'm fine," sagot ko at sinundan ng masamang tingin si Orange na dumaan. Ni wala man lang lingon pero sure akong siya talaga ang pasimpleng tumusok sa tagiliran ko.

"Sige na, Kaitlyn. Sabihin mo na lang na may gagawin pa tayo kaya bukas ka pa makakauwi," pakiusap ni Rose Ann.

"Kami ang bahala kina Tita at Tito. Kapag tumawag, sabihin ko na magkasama tayo sa unit ko," sabi ni Geen.

"Hay naku! Ayan na naman kayo e. Pano kapag ipa-check nya ang condo nyo, ha?"

"Hindi 'yan. Grabe naman sila na pati privacy namin pakialaman nila," sabi ni Rose Ann. Minsan na akong tumakas pero hindi naman bar ang pinuntahan namin.

"Ewan! Bahala na," sabi ko. "Depende kung may lakas akong magsinungaling mamaya."

"Wag mong hayaang maging boring ang buhay mo. Minsan magsinungaling ka," sabi ni Geen. Palibhasa sanay itong pinapayagan ng mga magulang kapag may gustong puntahan.

"Sana all na lang may freedom," sabi ko.

"Sana all barbie na iniingatan," sabi ni Rose Ann. "Hindi naman ganoon kahigpit sina Tito ah. Okay nga 'yon na may bodyguard ka. Palit tayo ng parents."

"Hmmp!" ani ko sabay irap sa kanila. Syempre ayaw ko. Kahit ganoon si Tatay, alam kong mahal na mahal niya ako. Minsan lang kasi nakakailang kumilos sa iba dahil may buntot ako. Ang akin lang naman sana yung paminsan-minsan maging normal naman ako like gumala nang wala sila. Yung with friends lang.

"Uy, tara na nga sa loob," yaya ni Geen kaya pumasok na kami.

Nang matapos ang klase, umuwi na ako. Ayun, nakumbinse ko si Tatay na bukas na ako uuwi dahil may gagawin pa ako kina Rose Ann.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon