38

2.8K 230 59
                                    













***********ACE POV**********













"Hi po," magalang na bati ng magkapatid nang pumasok sa opisina ko.

"May kailangan kayo?" tanong ko na sa mga papel ang mata.

"Tatay," ani Orange at naupo sa harapan ko.

"Kakalabas ko lang ng ospital," paalala ko.

"Thanks God at nakalabas ka na ho. I'm really happy," pasalamat nito. Hindi ko alam pero kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing makita ko 'to. Sino ba naman ang hindi? Ang bata pa ng anak ko para pakialaman niya at higit sa lahat, pinakasalan pa niya. Pero ano nga ba ang dapat? Isang araw lang ako naging maluwag kay Kaitlyn, iyon na ang nangyari? Wala akong choice. Bilang ama, hindi rin ako papayag na hindi niya panagutan ang anak ko. Galit lang ako dahil hindi ito ang tamang panahon. Maraming bagay na pwede pa nilang i-enjoy sana.

"Sabihin nyo na kung ano ang kailangan ninyo at may gagawin pa ako!" ani ko.

"Tito Ace," ani Purple. "Ipapaalam ko raw si Kaitlyn na magbakasyon sa amin ngayong sem break."

"Nakailang paalam na ba kayo?" tanong ko.

"Tatay, hindi po kasi alam ni Kaitlyn na nakapaalam na ako," sagot ni Orange.

"Umalis na kayo!" pagtataboy ko.

"Basta ipinaalam na ni Purple ang asawa ko po ha," ani Orange.

"Baka nakalimutan mo ang ginawa mo noong sa party kasama ang kabit mo?" galit na tanong ko. Napansin ko ang pamumutla niya.

"T—Tatay, na-explain ko na sa 'yo yun, di po ba? As in lasing na lasing po talaga ako at promise, hindi ko siya nagalaw. Kagaya ng video na nakita mo, hindi talaga ako pumatol sa kanya. Umuwi talaga ako sa anak ninyo nang gabing iyon," paliwanag niya habang nag-aaksyon pa ang mga kamay. "Tatay, maniwala kayo sa akin. Loyal talaga ako sa asawa ko. Wala akong ibang babaeng papatulan kundi anak mo lang."

"Tito, naniniwala po ako na hindi magagawang magloko ng kapatid ko," sabat ng ate nito. "Maloko lang po talaga itong si Orange pero tapat ho siya sa anak ninyo. Isa pa, may video naman ho na patunay na hindi niya ginalaw si Steffi."

"Yes po. Hindi ko man kilala kung sino ang kumuha ng video dahil nasira ang CCTV ng hotel pero pangako, ipapahanap ko po siya para patunayan na legit ang video na iyon at hindi fabricated," segunda ni Orange pero hindi ko na sila pinansin pa.

"Tara na," narinig kong bulong ni Purple sa kapatid.

"Sige po, alis na ho kami," paalam ng magkapatid at lumabas na.

Napabuntonghininga ako. Ako ang taong nasusunod ko ang gusto ko pero siguro hindi lahat lalo na ang anak ko. May asawa na siya at anytime ay alam kong magkakaroon na siya ng sariling pamilya. Sana lang hindi magkamali ang kapalaran sa kaniya.

"Boss," ani Marco nang pumasok na may dalang papeles.

"Okay na ba yan?"

"Ito na lang ang listahan ng model at designers natin. Naayos na nila 'yan. Bale approval mo na lang ang hinihintay."

"Salamat," pasalamat ko. "Hintayin mo 'ko sa labas. Tapusin ko lang 'to tapos may pupuntahan tayo," sabi ko kaya inilapag niya ang dala at lumabas na.

Isa-isa kong tiningnan ang nandito. Kagaya ng inaasahan, hindi na tambak ang aplikante. Tiningnan ko ang resume ng bagong applicants. Sampu lang ang nakapasa sa screening kahit na mahigpit pa ang pumipili.

Binuksan ko ang isang folder para sa mga matagal nang modelo. Napataas ang kilay ko. Sa 24 silang naiwan, halos lahat ay Villafuerte na lang. Kahit na mawala ang kompanya ko, hindi ikakahirap ng mga Villafuerte ang mawalan ng trabaho sa akin. Sa lawak ng asset nila, malamang barya lang ang pasahod ko sa kanila.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon