Unedited....
*******Kaitlyn's POV******
"Okay ka lang?" tanong ko nang makita siyang nagsusuka sa banyo.
"K—Kaitlyn," naiiyak na sabi niya habang nakatingala sa akin dahil napaupo siya sa floor.
"Sabihin mo lang kung hindi mo na kaya," sabi ko. Ang sama ko ba kung medyo natutuwa ako sa nakikita ko? Pero nandoon pa rin ang awa dahil alam kong hindi na siya makakain nang maayos.
"Hindi ko na kaya," sagot niya at niyakap ang kanang binti ko. Matapos naming malaman kahapon na buntis ako, nagpa-double check pa kami ng hapon at ayun na nga, buntis na nga talaga ako kaya hanggang ngayon, medyo lutang pa ang diwa ko. Ang bata ko pa para mabuntis pero nandoon din ang saya dahil ang takot ko noon na baka hindi na magkaanak ay nawala.
"So, ako na lang ang magsusuka?"
"N—No. No. Okay lang ako," natarantang sagot niya saka tumayo. "I'm fine. Nasusuka ako pero masaya naman ako kasi para naman sa baby natin."
"Kakasabi mo 'yan na ikaw na lang ang magdamdam kapag magbuntis," sabi ko.
"Okay lang. Tara, kain na tayo. Nakaluto ako ng masarap na breakfast," yaya niya.
"Nakapagluto ka pa niyan ha?"
"Syempre. Kailangan pa rin ng nutrients ni Baby. Kahit na ako ang nagsusuka, sa katawan mo pa rin ang anak natin kaya kailangan mong maging healthy."
"Eh ikaw? Kailangan mo ring maging healthy lalo na ang electrolyte balance mo," sabi ko.
"I know. Kaya nga pinipilit kong kumain e."
"Paano kapag maglihi ako? Ako rin ang kakain kaya tataba ako," nakalabing sabi ko.
"Eh? Hakbangan mo ako para ako ang maglihi para sa 'yo," suhestiyon niya kaya napataas ang kilay ko.
"Diyan tayo sa wish mo eh."
"Okay lang," sabi niya. "Basta safe kayo ni Baby."
"Hindi ba maaga pa para magkaanak tayo?" tanong ko.
"Handa naman tayo kaya walang problema. Isa pa, marami ang sumusubok na late na pero hindi pa rin nagkakaanak."
"Kung sabagay, may point ka," pagsang-ayon ko. Wala talagang problema ang pera sa amin. Kahit na hindi ako makapagtapos, alam kong hindi pababayaan ng pamilya namin ang baby namin pero syempre hindi naman kami pinalaki na ganoon ang mindset. Mahalaga pa rin sa amin ang edukasyon at dapat marunong tumayo sa sariling mga paa.
"So? Okay na sa 'yo na magkaka-baby na tayo?" nakangiting tanong niya.
"May choice pa ba ako?" tanong ko. "Isa pa—ikaw naman ang nagsusuka kaya keri lang."
Napasimangot siya saka tumayo at niyakap ako sa bewang.
"Okay lang na ako basta may kapalit, right?"
"Kapalit—"
"Hmm? Maaga pa. Hindi naman siguro tayo male-late, di ba?" makahulugang sagot niya.
"Orange—kyah! Ibaba mo 'ko!" tili ko.
"Mabilis lang," hirit niya.
"Uy! Buntis ako!" paalala ko nang ibaba niya ako sa kama.
"Ako ang nagdaramdam kaya pagbigyan mo na 'ko," pangungulit niya habang naghuhubad ng bathrobe kaya wala na akong nagawa. Isa pa, naaawa ako sa kanya. Kung ito ang makapagpagaan ng nararamdaman niya, sige, pagbigyan.
BINABASA MO ANG
In A Secret Relationship?
HumorHER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga...