Three

73 5 0
                                    

Three

My second day started peacefully siguro dahil wala dito ang lalaking 'yun. I dont know where he is pero natuwa ako ng maisip na absent siya. Sana na bored at tuluyan ng nag-drop out sa school. On our second day may iilang teacher na nag-discuss sa iilang subject na kailangan. They also distributed our P.E uniform. Sinilid ko na kaagad 'yun sa aking bag para maiuwi.

Ilang beses akong sumubok na makipag-usap sa mga kaklase pero parang hangin lang ako sa harap nila. They didn't even glanced at me, parang pinagbawalan silang kausapin ako.

Maybe the rumor spread like a wildfire that Lenoox was indeed bullying me and nobody can talk to me except him.

Break time when I decided to just stay on our room. Nagpabaon nalang ako ng pagkain dahil mas magiging kahina-hinala kung iba ang sineserve sa akin sa cafeteria. Lumabas na ang panghuli kong classmate para kumain leaving me there all alone. Si Reyla ay nakamatyag sa akin sa labas ng classroom at nang makitang wala na akong kasama...lumapit na siya.

"Bakit dito ka kumain? Pwede naman sa canteen." Aniya sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagsubo.

"I want to eat here. Tahimik at walang istorbo. At isa pa—nakakahinala kung bakit naiiba ang pagkain ko sa menu na binebenta." Reyla slowly nodded and said something to her earpiece.

"She's here in her classroom. I repeat, she's here." She informedthe other 2.

Dahan-dahan akong ngumuya at nang may narinig na konting ingay sa pasilyo ay pasimple nalang niyang kinuha ang basura sa likuran ng room at lumabas na ng hallway. Nakatingin parin sa akin.

Patapos na ako sa pagkain at umiinom na ng tubig nang biglang may umagaw ng tumbler na iniinom ko. Its him again! Nagdilim ang paningin ko at masama siyang tiningnan. Sa sobrang inis...Hinampas ko ang tumblers pataas making it spilled the water on his face. I smirked.

"What the-!" Galit niyang nilapag ang tumbler sa harap ko at pinunasan ang mukhang natapunan ng tubig.

Buti nga sayo... pwede ka namang humingi ng maayos hindi yung kukunin at iinuman mo lang basta-basta. Buti at hindi lumapat ang labi niya doon.

"Nox...heres your water." Ani ng isang patpating estudyante na kakapasok lang sa room upang maghatid ng tubig para sa kanya. Kumunot ang noo kong tiningnan ang paglapit noong estudyante at inabutan siya ng tubig.

Iritable padin ang mukha niyang kinuha ito at inabot sa akin. Nagtataka ako sa ginawa niya.

"Your water..." aniya. Tiningnan ko lang siya nang nagtatanong at sandaling sinulyapan ang tubig na nasa harap. I'm not allowed to drink that kaya nga nagbabaon ako ng sariling tubig at pagkain dahil hirap sila Dad na magtiwala sa iba.

"No. I'm fine with mine." Sambit ko at hinawakan ang tumbler na muntik na niyang mainuman. Pinunasan ko ito ng panyo at muling tinakpan.

He look at me darkly. Parang may nagawa na naman akong nagpainit ng ulo niya. Sabagay ang sapilitan kong paghawi ng kamay niya sa tumbler ko ang isa at maybe ang pagtanggi ko din sa alok niya.

I didn't look at him again. Inabala ko ang sarili ko sa pagliligpit ng pinagkainan at pag-pasok ulit noon sa bag. When I'm done that's when I notice him again. Hes not wearing our uniform, naka-plain white shirt siya sa pang-itaas at jersy short naman sa pambaba.

Nasa school siya pero nakapam-basketball ang suot niya? Ano tingin niya sa eskwelahan, bahay?

I rolled my eyes. Kanina ko pa balak maglibot-libot, hindi ko kasi nalibot ito kahapon dahil sa presensya nitong lalaki sa tabi ko. Nakaupo na siya sa tabi ko, nagpapahinga ata.

Hidden HeiressWhere stories live. Discover now