Sixteen

56 5 1
                                    

Sixteen

I grace the Naia airport wearing a jacket that's in a nice olive color that casually paired with denim and VANS trainers. Sinalubong ako ng secretary ni Daddy sa arrival area, binitbit niya kaagad ang maliit na maletang dala ko.

Gabing-gabi na at ramdam ko na ang pagod sa halos 16 hours na byahe. Pinilit kong maidlip sa byahe patungong mansion.

When our gate successfully open, mukha kaagad ni Ryker ang nakita ko. Ang lapad ng ngisi niya habang inaabangan akong lumabas sa sasakyan.

"Welcome back my dear cous!" Aniya nang lumabas na ako sa kotse. I groaned when he came towards me, mukhang may pakulo na naman itong lalaking ito ngayon.

Kinuha ng secretary ni Dad ang maleta sa compartment ng sasakyan, kaagad din naman siyang dinaluhan ng mga kasambahay.

"Mam I will see you nalang po sa company." Paalam niya sa akin. Tumango ako at ngumiti and then I dismissed him.

Tsaka ko binalingan ang mapang-asar kong pinsan. "I'm tired Ryk, sa susunod mo nalang ituloy yang pinaplano mo." Saad ko at humakbang na papasok sa mansion but then this brute already tangled his arms on mine at sapilitan akong sinakay sa kanyang sasakyan.

"I said I'm tired for today Ryk!" Inis na sambit ko.

"Sandali lang tayo, I prepared a welcome back party for you! I even rent the whole bar for you. Ang pangit naman kung wala doon 'yung celebrant diba?" Sinamaan ko siya ng tingin at pilit na kumawala sa sasakyan niya.

"At tsaka mabilis lang ito, after one or two shots, pwede ka ng umuwi. Magagalit din si Tito sa akin lalo pa at wala ka pang bodyguard. Sa presscon mo pa ata makikilala ang naka-assign sayo...kaya naman papabantayan muna kita sa akin."

Imbes na makipag-protesta, hinayaan ko nalang siya. Dinala niya ako sa isang exclusive bar. Sa bukana palang kitang-kita ko na ang mga matang nakatitig sa akin. Wala naman akong kilala sa mga ito, puro ata barkada ni Ryker ang narito!

Inakbayan ako ni Ryker papasok sa loob habang sumusunod na siya sa indak ng musika. I'm so tired to do this! Dapat talaga ay hindi na ako sumali pa sa pakulo ng lalaking ito. Dinala niya ako sa pinaka-VIP room ng lugar. Kaming dalawa lang ang naruon, nagtawag siya ng waiter at umorder ng maiinom. Pinanuod ko lang siya sa lahat.

"After two shots, I'm going home!" Ryker chuckled. May tinawag siyang babae sa labas ng room at agad naman itong kumanyapit sa kanya.

I watch the whole bar wildly, all of the people seems to be enjoying everything. I dont know why they find it enjoyable when clearly it is not...the alcohol will give you headache although yes its kind of addicting but I will never ever satisfy with it.

Dumating ang order ni Ryker para sa akin na kaagad ko na ding nilagok. They saw me drinking it. After I drink the two shots I promised, tumayo na ako at kaagad binatukan itong pinsan ko.

"Ouch! Mapanakit ka naman masyado!" Asar niya sa akin.

"Give me your keys!"

"Why?" Sinamaan ko na siya ng tingin at inis na hinila ang kwelyo niya. Between us, he knows how good I am in a close combat. Ilang beses ko na siyang napatumba ng hindi pinagpapawisan. At alam niyang kapag nagbabanta na ako physically ay seryoso na ako.

"Give me your goddamn keys Ryker!" Dumagundong na ang boses ko sa loob ng VIP room. Bakas na din ang gulat sa mata noong hinila niyang babae sa labas.

Hidden HeiressWhere stories live. Discover now