Nine

61 7 1
                                    

Nine

"Maybe we can talk about our upcoming research." My eyes darted on him. Para parin siyang nakakasilaw sa paningin ko. Its been days since he change from bad-boys image into a genius student. Naging usap-usapan sa buong school ang pag-iiba niya ng anyo at halos hindi na rin siya gaanong nakikitang sumasama sa mga barkada niya dahil sa akin na siya buntot ng buntot! Naiinis na ako sa presensya niya! Ilang beses ko siyang pilit na iniiwasan pero para talaga siyang kabote na bigla-bigla na lang sumusulpot. Magtatanong kung kumain na ako? Saan ako pupunta? Uuwi na ba ako? Whatever!

Friday ngayon at hanggang ngayon hindi parin kami nakakagawa ng research. Nagisip ako habang napasandal sa upuan.

"M-May gagawin ka ba bukas?" Tanong niya. I pursed my lips to think. May gagawin nga ba ako bukas bukod sa trainings? Of course wala! And maybe mapapalabas ako if I informed Dad that I will have this research?

"W-Wala." Sagot.

"Good. Then maybe we can go to our home? So we can do our research. We have a good internet connection and a laptop." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Makahulugan ko siyang tiningnan its like I am reading him through his eyes.

Nagkamot siya ng ulo dahil sa pananahimik ko at natawa at umiling. Biglang nahiya sa suggestion.

"And of course kung papayagan ka! Of course!" Kinakabahang bawi niya.

Unti-unti kong kinalas ang pagkakahalukipkip at pumangalumbaba sa harap niya. Sinundan niya ako ng tingin. Natulala ako sa kawalan...

I'm still thinking about what he said. Kung sa bahay nila kami gagawa ng research...it means another freedom for me? But then palayagan ba ako ni Daddy and Mommy? Pero mas kahina-hinala nga naman kapag hindi ako sumama? E' diba normal ang mga ganito? Yung gagawa ng mga project sa bahay ng kaklase? Pwede kong gawing reason 'yun?

Hindi ko rin naman pwedeng i-offer ang bahay namin.

My eyes went back at him...kitang-kita ko kaagad ang pamumula niya dahil nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Kanina pa ata ako pinagmamasdan!

"Uhm...lets see about that. Susubukan kong magpaalam." Sabi ko.

He slowly nodded.

"Pwede rin namang sainyo? Kung hindi ka papayagan sa bahay?"

"No! Maybe you're house are better! Give me your number so I can text you later tonight?" Nilahad ko sa kanya ang phone ko. At halatang-halata ang pagkakatigil niya at kumikinang ang mga matang tinitingnan ang phone ko.

Sumilay ang ngiti sa labi niya habang masayang nagtitipa ng numero sa phone ko.

After he input his number, masigla na niya itong binalik sa akin. Our last subject dismissed us. Malapit na mag-Christmas break.

Come to think of it...I've been going to school now for almost 6 months. Habang nagliligpit ng gamit ay napasulyap ako sa bintana. Nagsisimula na namang kumulimlim. Reyla texted me.

Reyla: Mukhang uulan na, bumaba ka na para hindi tayo maabutan ng ulan.

I closed the zipper on my bag. Nagmadamadaling humakbang palabas ng klase. Sa pintuan palang ng klase, pansin ko ang dami ng taong nakaabang at nang makita nilang daraan ako para silang nahati bigla sa gitna. At doon ko lang natanto kung sino-sino sila. Its Lennox gang!

Hidden HeiressOù les histoires vivent. Découvrez maintenant