Twenty

62 5 3
                                    

Twenty

Wala siyang nagawa sa gusto kong mangyari. He let me drive my car. Napangisi ako habang inaayos ang seatbealt sa driver seat, umupo din naman siya sa tabi ko.

I look at him with a challenging gaze.

"Do you know how to race?" Makahulugan kong tanong sa kanya.

Kitang-kita ko ang amusements sa mga mata niya at tinitigan ako.

"Well, I know!" I said and turn the engine on. Pinaharurot ko ang sasakyan na wari'y nakikipag-paligsahan. Mas lalo akong napangiti ng makita ang riin ng hawak ni Lennox sa handler ng sasakyan. Ang halos trenta minutos na byahe ay naging sampung minuto lang sa akin.

I park my car perfectly when we go inside the mansion. Hinagis ko 'yun kay Lennox na mariin ang titig sa akin papasok ng bahay.

"Magpapahinga na ako." I said as I end our day. Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng kwarto, I put my bag on my make-up table at naglinis na ng katawan.

Pagkalabas ko ng banyo, kinuha ko kaagad ang phone sa aking bag. I'm still on my bathrobe while calling Reyla.

I put some skincare to relax my skin due to exhaustion.

"Yes?" Bati sa akin sa kabilang linya.

"Are you already here in the Philippines?" Tanong niya habang pinagmamasdan ko ang aking mukha sa salamin.

"Yup."

"When are you gonna visit us?" Natigilan ako at napasulyap sa desk calendar.

"I'll squeeze it next week. May gusto ka bang ipabili? Ano pa ang kulang nila baby? Maybe I can bought it and deliver that to you."

She chuckled. "Ang seryoso naman ng baby namin. Purket CEO ka na ngayon. Anything will do, your highness." Asar pa niya sa akin.

I smirked. "Okay..." natigilan ako at napasulyap sa phone. Is it okay If I tell her who's my bodyguard is right now? Maybe I can ask her for some information. Siguro naman nababalitaan niya si Lennox dahil pareho naman silang Militar? She must have heard it to his colleagues?

"Do you still remember Lennox?" Tanong ko sa kanya.

"Lennox? Lennox Dela Vega? Your seatmate?" Kumpirma niya sa akin.

Tumango ako. "Yeah."

"Ou. Bakit? Bakit mo natanong?" Tunog asar na ang hirit niya.

"Nothing. I just want to know about him...nawalan na kami ng connection noon kaya wala na akong naging balita sa kanya." Saad ko.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Reyla hanggang sa marinig ko ang maliit na boses ng kanyang anak sa kabilang linya.

"I heard he entered the military." Natigilan ako sa sinabi ni Reyla. Hindi ko alam na may alam pala siya kahit papaano kay Lennox.

"Naging usap-usapan sa buong Masbate ang nangyareng pagtatalo nila ng kanyang  Ama sa napili niyang gustong tahakin. You know how influential their name is in terms of politics. Hindi ata matanggap ng Ama kaya pinalayas siya sa kanila." Natigilan ako sa sinasabi niya. May nangyaring ganuon?

Nanatili lang akong tahimik at nakikinig.

"When he entered the Military, nahirapan din ata siya. Dahil gumawa ng paraan si Don Dela Vega para mapa-suko siya at piliin na lamang ang politika. But Lennox didn't even think of giving up. Kahit ilang beses na siya nitong muntik ng mapahamak."

I didn't create a sound, pinilit kong i-proseso ang mga sinasabi niya.

"Nandiyan ka pa ba?" Bigla niyang tanong sa akin. Sa sobrang pagkakatulala ko, hindi ko namalayang kunot na ang noo kong nakikinig.

Hidden HeiressWhere stories live. Discover now