Fifty

38 2 0
                                    

Fifty

Lennox Javier Dela Vega POV

"You will take a political science, Lennox." Mariing sigaw ni Daddy habang nasa harap kami ng hapagkainan.

"No. I will go for Military." I said with finality. Sinipa ako ni Lyndon sa ilalim ng mesa. Mas lalong namuo ang galit ni Daddy dahil sa pagmamatigas ko. Akala niya, hindi ko alam? Masama ang tingin ko kay Dad at binalingan siya.

"Do you think Dad I will follow you? No fucking way!" Sigaw ko.

"Lennox!" Mas dumagundong ang kan'yang boses sa buong mansion. Galit akong tumayo at padabog na naglakad palayo.

"Lennox! Sinabi ng bumalik ka dito!" Sigaw niya pa.

I look at him with disgust. "Tama lang na natalo ka noong eleksyon, kung katulad mo ang magiging gobernador ng bayan, wala itong patutunguhan!"

"Ang kapal ng mukha mong pag-saliataan ako ng gan'yan! Bumalik ka dito!" I didn't listen to him, umakyat ako sa aking silid at pabagsak na binagsak ang pintuan.

"Anong akala niya sa akin, mang-mang?! Nang dahil sa mga teroristang 'yon hindi ko na nakita pa si Keisha! Tangina nila! Magsama sila!" Sigaw ko sa kawalan habang pabalik-balik ang lakad sa buong kwarto. Hinayaan kong pakalmahin ang galit sa kaibuturan ko at kinuha ang phone. Nagbabakasakaling may-text siya sa akin.

Where the hell are you?

Ako: Keisha, please call me back. Are you okay?

Still no response.

Ako: Please tell me your fine, please.

Wala pa rin.

Sinearch ko ang social media at iba pang business sites, nagbabakasakaling may mga update sa pamilya niya...pero wala, sobrang tahimik ang lahat. I didn't know where she is right now! Unti-unti akong napanghinaan ng loob at iritableng sumulyap sa pintuan dahil sa pagsungaw ng aking kapatid.

I felt how heavy my breathing is while he is nearing me.

I don't care if they disown me! God damn it! Kaya kong itaguyod ang sarili ko makatapos lang sa Military. I can handle it without their help! Hindi-hindi ko kukunin ang gusto niya at magpapakaalila sa mga hayop na 'yon.

"What?!" Singhal ko sa kapatid na naupo sa aking tabi.

"Dad was angry." I clenched my jaw.

"Let him." I answered, I heard Lyndon heavily sighed beside me while measuring me.

Mas tumindi ang galit at hidwaan sa pagitan namin ni Daddy na kumalat sa buong lungsod. Being one of the scions of Dela Vega, they all expected me to follow my Dad path since my brother is more in business. Ako ang inaasahan ng mga taong susunod sa yapak niya bilang magtutuloy ng pangalang Dela Vega. I didn't let him control my life. I proceed to study and enter the Military, with the help of Lyndon and his wife.

We had a trust fund, iniwan 'yon sa amin ni Mommy kaya hindi ko problema ang financial. Hindi naging madali sa akin ang lahat. I knew Dad sabotage my acceptance in the army, but since masyadong mahigpit ang paaralan hindi nakalusot ang gusto niyang mangyari.

Days, Weeks, Months and Years passed by and Keisha really didn't contact me anymore. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niyang tatawagan niya ako noon? O sinabi lang niya 'yon para tumigil ako sa kan'ya.

In my 3rd year being in a Military academy. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asang makita siya ulit. A part of me takes this path because she once said that her dream was to be a public servant. Habang pinagmamasdan ko ang pagbubukang liwayway ng kalangitan, I saw her in a magazine.

Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon