Six

48 6 0
                                    

Six

I've never been infatuated or in love. Heck I didn't even had a crush...kung meron man sobrang tagal na noon at hindi ko na maalala. I was living in a basement for years thats why I've never been this bothered before. Bakit nga naman ako maba-bothered? Hindi naman ako ang may gusto sa kanya, siya naman!

Pinilit kong winaksi ang conclusion ko sa action niya sa mga nakalipas na buwan. Yes and during those months...payapa naman ang lahat sa school, kila Dad at sa basement. Tanging si Lennox lang ang nagpapawala ng concentration ko... after what happened to that P.E session parang naging hudyat ito sa kanya para sundan na naman ako. It triggered also his feeling to the wall I built...around us. Kung noong nakaraan ay lumiliban pa siya sa school—ngayon ay hindi na talaga. Always siyang present at kung hindi nakatitig sa akin during class ay nakangiti naman na parang aso kahit na hindi ko naman siya kinakausap!

Mas nagiging transparent siya sa akin. Halos lahat ng nasa school ay binibigyan pugay ako. Kalat na kalat kung gaano kabaliw sa akin si Lennox at hindi yun nakatakas sa tatlo kong bodyguard.

Nakangisi si Lia habang pinagmamasdan ako sa pagkain dito sa dining namin.

"So that former governor son had a crush on you." Aniya. I glared at them. Nagsitawanan naman ang dalawa sa tabi ko.

"Kaya pala ibang-iba ang titig noong lalaking yun kapag naliligaw si Keisha sa canteen. Halatang gustong laging dumikit." Hinayaan ko silang magsalita. Wala naman akong pakialam at nauumay na ako sa pinag-uusapan. Kahit sa school walang ibang nagiging topic kung hindi kami. Parang kami ang magiging couple of century if papatulan ko ang bad-boy na 'yun. Yun ay kung papatulan ko nga!

"Well what do you expect. Keisha is beautiful, papasa nga itong artista at modelo kung hindi tinatago at pinagbabawalan. Nakakataka lang kung bakit isa lang ang nagkakagusto...for sure kung ako lalaki—pipila din ako diyan. Lalo na siguro kung malaman nila kung gaano kayaman ang angkan nitong batang ito." Si Reyla.

"Baka naman kasi may nagbabawal. Maraming nagkakagusto pero takot na umamin...sa datingan ba naman kasi noong Lennox, parang papatay ng tao sa tuwing may makikitang kakausap sa alaga natin." Naghalakhakan na naman sila sa tabi ko.

"Hindi na pala natin gaanong kailangan bantayan  si Keisha, may 24 hours na palang matang nakatitig sa kanya kapag nasa school." Si Lia. Padabog kong binaba ang kubyertos para matigil sila sa panunuya.

I glared at all of them.

"Stop it!" Inis na sabi ko. Natahimik silang tatlo at may kanya-kanya nang ginawa. It's Saturday! Nagbabalak akong lumabas sa bahay para maglibot-libot sa hardin. Matagal ko na ring hindi napagmamasdan ang paglubog ng araw dito sa amin.

Its ber-months kaya napapadalas na ang pag-ulan. And I'm hoping na sana maganda ang panahon ngayong araw na ito. Like what I plan, lumabas nga ako ng basement at nanlumo nang makita ang walang humpay na buhos ng ulan. Nagsi-sunuran din ang tatlo kong bodyguard.

"May bagyo ata ngayon..." anila. Napangiwi ako habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan sa aming bakuran. May gusto akong gawin pero alam kong hindi sila papayag lalong lalo na sila Daddy.

Kaya sinawalang-bahala ko na lang yun at hindi na isinatiginig.

"I heard theres a falls here... ang sarap sanang mag-dive doon ngayon." Ani Reyla. Nagkatinginan kaming lahat.

"Talaga? Saan mo narinig?" Si Lia.

"Sabi sabi ng mga teachers. Lalo na kapag maulan, maganda daw ang buhos ng falls."

"Hindi ba delikado?" Si Yen.

"Hindi." Si Reyla. Katahimikan ang namayani sa aming e at sabay-sabay na nagsinghapan.

Hidden HeiressWo Geschichten leben. Entdecke jetzt