Thirty One

41 5 0
                                    

Thirty One

"Where's your condo here? Or apartment?" kuryuso kong tanong habang kumakain kami ng Ice cream sa park na nadaraananan namin. The sunset are now visible in front of us.

"Makati." sagot niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.  I look at my watch. Maaga pa naman para sa dinner, maybe we can dine in there. Magluluto na lang ako? Hindi ako marunong--of course! Pero madali naman 'yan matutunan.

"Let's go there." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Huh?" litong tanong niya.

"Let's go there. Gusto kong makita ang condo mo." sagot ko at ngumiti, desidido sa sinabi.

"Pero hindi ko pa nalilinisan 'yun at maalikabok, madumi rin." sagot niya. Naghahanap pa ng ibang ire-reason out. Kumunot ang noo ko at mariin siyang tiningnan.

"Kaya nga pupuntahan natin? For us to clean that up, doon na 'din tayo mag-dinner." Kitang-kita ko ang pag-alma niya sa sinasabi ko. Mas lalong naningkit ang mata ko at makahulugan siyang tiningnan. "Baka kaya ayaw mo dahil may tinatago ka sa akin?"

"Tinatago?"

Nagkibit balikat ako at tumingin sa kawalan. "You know, that you really have a wife and a son? or daughter that you're hiding...kaya?" suminghap siya sa sinasabi ko at natawa na lang. "Wala ako nun." Huminga siya ng malalim at wala ng nagawa. "Okay, para sa ikakatahimik ng isip mo. We will go but don't expect that it's clean, ngayon palang binalaan na kita." I shrugged and smile at him with a salute.

"Of course I will not." saad ko, nagtaas ng kilay.

Baka nga mas makalat pa ako kaysa sa kanya 'e. Naalala ko ang ayos ng kwarto niya sa bahay namin, malinis at naka-inline talaga ang mga pabango niya. Pero sa kwarto ko? kalat-kalat ang mga 'yun.

Hinila ko siya sa grocery store na nadaraanan namin at bumili kami ng maluluto para sa dinner.

"Do you know how to cook?" tanong ni Lennox nang nasa sasakyan na kami. I bought some beef for beef steak and rice. I also bought some snacks. My mind is preoccupied with all the groceries we bought.

"No." tipid kong sagot sa kanya.

"Hindi? And yet you brought so much for a beef steak? You also brought a chicken and pork? Saan mo naman gagamitin 'yun?" hamon niyang tanong sa akin.

Lito ko siyang tiningnan. "Hindi ba 'yun kailangan sa pagluluto ng beef steak?"tanong ko. Sandali siyang namangha sa sinabi ko at natawa na lamang.

"You're cooking a beef steak, ano namang kinalaman ng manok at pork doon?"

"Malay ko? Hindi ba 'yun kasali?" He bit his lips to hide the bark of laughter. Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin. Nakarating kami sa condo tower niya. He gave me his condo keys.

"Wait for me there, maghahanap lang ako ng parking." aniya na agad ko din sinang-ayunan. I waited him in the entrance of their tower basement. Napalinga-linga ako sa paligid as I felt something strange. Parang may nagmamasid at matang nakatingin.

The voice of that girl suddenly echoed on my ear. I attentively look around and then I saw a shadow of a woman. Hindi ako pwedeng magkamali. Nagkatinginan kaming dalawa and I watch her signal me about she's always watching me. I smirked as I air my middle finger on her. Hindi ako natatakot sayo!

I will make sure to never doubt Lennox. Kung may pinagdududahan man ako sa puntong ito, itong babaeng ito iyon.

I remember her as one of Lennox admirer back then. Kaya nga niya ako muntik ng patirin sa hagdan diba? 'dahil may gusto siya kay Lennox na ang buong atensyon na noong panahong 'yun ay nasa akin.

Hidden HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon