Nineteen

44 5 2
                                    

Nineteen

I focus myself on my work the whole day. Kabilaang documents ang kinaharap ko sa maghapon.

I approved all the proposals that's been pending for months. Sa sobrang pagiging abala ni Dad sa Spain, hindi na niya napagtuonan ng lapses ang nasa main branch at inasa na lang lahat sa managers.

Sumasakit ang ulo ko sa mga complain. I'm on my way to the managerial meeting.  Binabasa ko pa nga lang ang complain, sumasakit na ang ulo, marinig pa kaya?!

Its a closed door meeting, lahat ng stores na nagre-rent sa DV-Mall ay present. When I graced the room, bigla na silang nagsitayuan at binati ako. Naupo ako sa pinaka-center table, nasa kabilang gilid si Lennox, nakatingin at nanunuod.

I clear my throat when I saw how my staffs eyes lingered on Lennox. Kumunot ang noo ko at nilingon siya. His handsomeness are distracting them! Palabasin ko kaya muna siya para naman bumalik sa katinuan itong mga ito? I even saw them secretly giggling while looking at my bodyguard.

Mas lalong nagsalubong ang tingin ko at mariing sinulyapan si Lennox na nakatitig sa akin.

"Shall we start?" Si Mateo sa harap ko. I nodded at nagsimula na nga sila sa mga presentation nila.

Tahimik lang akong nakikinig habang nilalaro ang ballpen. Paminsan-minsan ang sulyap ko kay Lennox na hanggang ngayon ay hindi man lang nililisan ang titig sa akin.

"So you mean, they're complaining about our services?" Tanong ko to conclude it.

"Yes Mam! Konti lang din daw po kasi ang mga benches sa loob ng Mall para mapag-pahingahan. They also want a playground so their child can play while theyre shopping." Sandali akong nag-isip sa mga sinasabi nila. Lahat sila nakatingin at inaabangan ang sasabihin ko.

I glanced at my wrist watch and its almost 5pm. I stood up.

"I will see about that. You may now go home." Sambit ko as I dismissed them. Nauna akong maglakad palabas ng conference room. Dire-diretso ang hakbang ko patungong opisina.

Napasinghap ako ng makitang ang dami pang naiwang napakaraming documents sa aking table. Dir-diretso ang upo ko sa swivel chair at pinagtuonan'yun ng pansin. Hindi ko namalayang gabi na pala, napaunat-unat ako minasahe ang leeg.

Ginugutom na din ako. I was about to go back to my table when Lennox presence suddenly visible to me.

"Lets eat outside?" Tanong ko sa kanya. He nodded.

"Ang dami ko pa sanang tatapusin, pero nagugutom na ako. Bukas na lang siguro 'yan? Lets go?!" I said and put my things on my bag.

I already texted Mom that I will just eat outside para pagdating sa bahay ay magpapahinga na lang. I crossed my arms while looking at Lennox in front of me.

Ilang beses kong nakita ang pag-iiwas niya ng tingin. I suddenly missed the bad boy image of him. Tahimik lang kasi siya maghapon at hindi halos nagsasalita.

"You graduated in Military Academy right?" Pukaw ko ng katahimikan naming dalawa.

He nodded. I pursed my lips and look at him carefully. "I thought you will be pursuing Politics since youre family are inline with that. Hindi ko inaasahan na mag-mi-militar ka." Tunog manghang sambit ko sa kanya.

He look at me. "I also thought you're pursuing a military since you said that to me." I sadly look at him. And the memories of how I fight my parents about that re-surface on my mind.

Hidden HeiressWhere stories live. Discover now