Skype i.d 2: Urband Legend

430 16 0
                                    

FRANCE POV

Hello? bakit kaya ngiti-ngiti pa to? kainis... pero infairnes gwapo nga siya. Pero basta, nakigamit na nga siya ng computer, dapat hindi siya nangangalkal ng mga files!  

Inirapan ko lang siya (ang taray ng lola niyo) 

Matapos ang pagpapakialla sa kanya, back to work syempre. 

"Joe, coffee na tayo?" tanong ko. Yun ang unang ginagawa namin talaga ang uminom ng kape. 

"Sure" sagot naman ni Joe. 

Nung nasa water dispenser nako. Nandun nanaman ang pakialemerong new jap. staff. 

"You want coffee Sir?" tanong ni Joe sa kanya. 

Nagsmile naman siya and then...

"Don't call me Sir, Daisuke is fine" sagot niya.

"Ok... Daisuke San" sagot naman ni Joe.

"And yes please, can I have a cup of coffee?" tanong  niya.

"Oh France diba meron kapang another sachet na coffee? pagtimpla mo siya" utos pa sakin ni Joe.

Anak ka ng ewan oh? nag-aalok ka ng kape tapos wala ka naman palang extra... Nakakaloka ka friend. 

Napatingin sakin si Daisuke San.  

"Where is your mug?" tanong ko nalang.

"I don't have any..." ngiti pa niya. Tapos napatingin pa siya sa mug ko

Wow ha? sorry pero never akong nagpapahiram ng baso o tasa ko!

Nguyain mo nalang yun kape!  

"Wait, I think I have another cup in my pod" yun ang nasagot ko. 

At hayun nga pinagtimpla ko ng kape itong Jap staff na poorita! tasa lang wala siya! ano ba yan! 

Pagkatapos ko siyang  ipagtimpla. 

"Hoy Joe, ikaw na ang mag-abot" sagot ko. 

Iniabot naman ni Joe yung kape. 

"Oh guys... tara kain" alok ni Rose na may dalang ceasar's salad. 

"Oh yeah!" sagot naming lahat na magkakagrupo. 

At yun nga ang foodtrip namin. Bago magclass. 

This is our usual routine. 

Class time!

Kanya kanya na kaming umupo sa station namin. 

I check my schedule. Halos regular lang ang mga student ko  for today. 

At pagkakita ko sa schedule ko. My unknown Skype i.d. 

skype i.d: D.A. 123

Pinagtanong ko sa mga kasama ko. Never heard din daw.

"Ay meron din ako oh" sigaw ni Mhavi "baka new student" sabi niya. 

"maybe...." sagot ko nalang. 

2:00- 12:00 midnight ang schedule namin. Mabilis lang lumipas ang oras kapag marami kang student. 

At 7:00 breaktime namin. Dinner time. 

Biglang nagbrown out! "Yes "pa kaming lahat! pero hindi yun nagtagal dahil may generator naman ang opisina namin. Bakit kasi hindi nalang tamaan yun ng kidlat para wala diretso uwi na kami. 

Pero tumigil na ang ulan. Nung lumabas kami para magpahangin dahil nakakasuffocate din ang  nagstay sa pod. 

Nandun si Daisuke San, nagsmoke siya. Kasama sila Hiro  San at Yosuke San. Deadma lang ako, samantalang ang mga kasama ko lalo na si Joe at Shandi kilig na kilig. 

Online:  Dead (GGE Chronicles)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz