Chapter 19: Bad Joke

137 13 0
                                    


Atlast, panalo ulit kami. We survived sa 2nd game. 

Pero? bakit ganun... ano ba talagang nangyayari? bakit buhay ulit ang mga kaibigan ko? sila nga ba talaga yun? sobra na ang kalokohang ito! what a bad joke! 

"hey Ces!" tawag ni El. "hwag ka ng masyadong magisip sa mga nakita mo" paalala niya. "hindi na sila yun" sabi niya. 

Napatango nalang ako. 

Nakikita nanamin ang headquarters namin. Naks! kelan pa ba naging official na samin ang puregold? anyway... basta territory namin yun. 

May mga nakakasalubong kaming mga zombies pero ewan ko ba? kami lang ba ang lumakas at nasanay nalang sa pagpatay sa kanila o talagang parang mas mahina sila at parang mas walang reaksiyon. Basta lakad lang sila ng lakad pasugod samin. 

Nakarating din kami sa wakas sa territory namin. At finally natapos din ang second round. No choice ang ibang team kung hindi bumalik sa headquarters nila. 

Todo hingal nanaman kami, nanlalambot ang mga tuhod ko. 

Sinalubong naman kami agad ng mga kasama namin. 

Pagpasok sa loob, tahimik lang sila. Teka? 

"nasan si Daichi?" tanong ko. 

Walang kumibo. Pero bumulong si Rose kay El. 

Kinabahan ako ng husto. 

"teka? bakit pati yata si Lexus, wala!" taranta ko na.

"Calm down cu'z" comfort sakin ni El.

"Anong calm down! ano ba kasing nangyari? nasan si Daichi at Lexus?" tanong ko ulit.

Bakit ba ko naiiyak... dala ng pagod, pressure at takot.

"ano kasi... uhmmn..." bulol pa ni Rose. 

"what?!" sigaw ko at iyak. 

Tapos hindi na napigilang tumawa ng mga kasama ko... 

"Hey, Eve? I'm here..." boses mula sa likuran. 

Nagtatago sya sa malalaking appliances kasama si Lexus. 

"Did you miss me that much" bungisngis pa nito. "I'm touch" sabi nito.

"what the hell pare" inis ni El pero natawa nadin siya. 

"Uy Xyroun, namiss din kita" asar din ni Karis kay Xyroun.

"Alam ko naman yun eh" confident pa ni Xyroun. 

"kapal mo!" sigaw ni Mhavi.

"alam ko din yun" tawa ni Xyroun.

Nagtawanan ang lahat.

"we are just joking, sorry babe" sabi ni Daichi. 

"uy....babe daw" asar pa nila samin. 

Naiyak ako ng husto! yung hagulgol talaga, wala na bumigay ako... sa inis!

Natahimik ang lahat.

"Lagot ka Daichi, patahanin mo yan" pangaasar pa ni El. 

Nilapitan ako ni Daichi pero inihagis ko lang sa kanya ang backpack. 

"hey I'm sorry" sabi nito. 

Sobrang nangigigil ako! 

"what a bad joke Daisuke!" sigaw ko. Sabay walk out muna. 

Pucha! wala na kong time para sa ganitong biro, ang sakit padin ng mga paso ko. Sobrang naguguluhan na ko, at nahihirapan... gusto ko ng matapos to. 

Online:  Dead (GGE Chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon