Chapter 18: Spirits

129 11 1
                                    


Heto nanaman kami... 

"Goodluck" paalam ulit ng mga kasama namin. 

Hinga ng malalim...

Pilit na sumasama samin si Lexus pero malinaw ang rules, kami lang nila El, Xyroun at Rui ang kasali sa round na ito. Kahit si Daichi pabebe pa! 

Ok nadin yun atleast hindi muna kami mano-nosebleed ng mga kasama ko sa kakaenglish nya. Pero aminado naman ako parang mas ok kasi kapag kasama ko sya. Hay heto na nga ba ang sinasabi ko, nasasanay na kong kasama siya.

"Eve... see you later" sabay halik nito sa pisngi ko. 

"Oo, hwag kang mag-alala... babalik ako agad" wink ko pa. 

He tried to smile. 

Nung magsimula kaming tumakbo, napansin naman naming walang mga zombies kaya minabuti nalang naming magdahan dahan, dahil for sure mas kakailanganin namin ang energy mamya. 

Nung natatanaw na namin ang abandonadong hospital. Napatigil pa kami ni El, at nagkatinginan muna.

"Ready cu'z tanong ko?"

Tumango lang siya. 

Hinawakan ni Rui ang kamay niya. "Hey? don't worry I will protect you" sabay wink ng mgandang nurse, at napangiti naman ang pinsan ko. 

SI Xy naman napahawak sa balikat ko. Pagtingin ko sa kanya. Hala? namumutla na tong friend ko. 

"Uy easy kalang, huminga ka muna" advise ko. 

Tapos may itinuturo siya sa bandang itaas ng puno malapit sa gate entrance ng hospital.

Pagtingin ko, isang babaeng nakabigti. 

"nandun padin pala ang babaeng yun" sabi ko. "Don't worry multo lang yan" sabi ko.

"Don't worry?! talaga? multo lang yan?!" taranta ni Xyroun. 

"Mas matakot ka pa din sa mga zombies" sabi ko.

Inihanda nanamin ang mga panlaban namin if ever may makasalubong kaming  zombies. 

Pagpasok sa gate. Sumalubong ang malakas na hangin kasabay ang hindi masikmurang amoy... 

"ang baho naman" angal ni Xyroun. "ganito ba talaga ang amoy dito?" 

Nagkatinginan kami ni El. 

"sa totoo lang, hindi naman ganito dati eh" sagot ng pinsan ko. 

"Amoy patay na... daga? o kung ano mang patay na hayop" sabi ni Rui. 

"Patay... patay na tao?" sabi ko nung makita ko ang isang sulok. 

Shit! damn! hindi ko matitigan. 

"Zombie ba yan?" tanong ni Rui.

"Hindi man gumagalaw eh" sabi naman ni El. 

"halina nga kayo, hayaan nyo na yan, malapit ng lumipas ang 30 minutes, darating ang iba pang grupo kaya dapat amunahan natin sila sa paghahanap ng isa pang clue" sabi ko.

"Palagay nyo san ba ilalagay yun?" tanong ni Rui.

"Sa underground basement" sabay pa kami ni El.

Addict kasi ang mga nakikipaglaro samin eh. For sure ilalagay nila yun sa pinakanakakatakot at delikadong lugar sa building na ito. 

"O duon na tayo dumiretso" sabi naman ni Xyroun. Nauna pa siyang naglakad samin.

"hoy Xyroun! wrong way ka" sigaw ko. 

Online:  Dead (GGE Chronicles)Where stories live. Discover now