Chapter 36: Beyond

72 6 1
                                    

As much as possible, hindi kami gumagawa ng kahit na anong ingay ni Lexus. Napapaligiran kami ng mga kwarto, naalala ko nanaman ang mga kwartong nakita namin nuon ni Daichi sa abandon hospital kung saan nakakulong ang iba't ibang nilalang. 

Pero ibang-iba ang kwarto na ito. Puro puti, yeah it looks clean... but believe me mas creepy pa ito sa hospital. Nakakulong din ang mga iba't ibang entity pero they are more like robots na zombies . Parang wala na yatang sariling pagiisip. May kung sino nalang ang kumo-kontrol sa kanila.

Napailing ako, dahil kahit takot ako sa mga ito at hindi talaga maipaliwang kung ano sila, sangayon naman ako kay Lolo na kasama sila sa pagbabalanse ng mundo.

Medyo napaatras si Lexus at para din nya kong hinila. 

May paparating...

Saan kami magtatago? shit! 

"pssst!" boses mula saan. 

Lumingon lingon ako... 

"Ces, dito" tawag ulit nito.

Sinundan ko si Lexus. Tumapat siya sa isang pinto. Madilim ito.

At may nakasulat na...

Werewolf? luh? teka? dito ba ko papasok?

Bumukas ang pinto at may kamay na humila sakin papasok ng kwarto. 

"Shhh! hwag kang maingay Ces" takip pa nito sa bibig ko. 

Why is he here? 

Nung mapansin naming dumaan na ang isang lalaki at si Shori yun. Nakasuot sya ng mga pang scientist. Pagbitaw nya sa bibig ko. 

"Xyroun? what the hell are you doing here? pano mo ko nasundan?" tanong ko pilit na hinihinaan ang boses ko.

"hay naku, ang Xyroun na kasama niyo ay fake" sabi nito.

"what?" parang nanlambot ang mga tuhod ko. 

"Look, for sure it's a trap nanaman, isa syang zombie puppet/android" paliwanag nito. "those two captured me, nung mainterview ako sa GGE, duon ko nalaman ang tungkol sa ating lahat, sa nakaraan, and they also use me para maging experiment nila" 

"Anong ginawa nila sayo?" tanong ko.

"Sinusubukan nilang paghaluin ang genes ko at ng isang wolf  para maging werewolf" sagot nito.

"oh god, tagumpay ba sila?" tanong ko.

"Somehow, pero hindi ako nagiging werewolf dahil sa fullmoon" sagot nito.

"Eh pano ka nagtransform?" tanong ko.

Hindi pa man nya ko nasasagot, nakarinig kami ng sigaw. Sigaw ng isang babae.

"Si Hayfril" bulong sakin ni Xyroun.

"teka, teka? o bakit parang sinasaktan sya ni Shori?" taka ko.

"Dahil isa din sya sa mga experiment ni Shori, she's the almost perfect humanoid" sagot nito.

Napailing ako, grabe to the next level na ang mga ito ah?

"tell me Xyroun, nasan ba tayo nito?" tanong ko.

"sa isang bahagi ng portal, nasa may abandoned building padin tayo yun lang parang ibang dimention, more on sa future" sagot nito. 

Ay nakakaloka! Future? 

Daig ko pa pala ang gumamit ng time machine. 

"posible bang mahanap padin ako ni Daichi?" tanong ko. 

"Can you answer my question Ces, nagmamahalan ba talaga kayo ni Daichi?" tanong nito ng seryoso.

"anong klaseng tanong yan?" taas kilay ko pa "100% mahal na mahal namin ang isa't-isa" proud kong sabi sabay hawak ko sa pendant ng kwintas na binigay ni Daichi.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Where stories live. Discover now