Chapter 17: Portal

145 10 0
                                    


Ano na bang dapat namin ulit gawin? sino ang susugod para sa pangalawang clue?

Naghihintay pa kami ng instruction mula sa mga baliw na nagpasimuno ng nakakalokang laro na ito?

Ano kayang trip talaga ng mga taong to?

Pinagsasama nila ang mga patay, buhay at pati narin yata mga spirits at elemento sa paligid nabulabog na?

"matulog ka muna" sabay pitik sa noo ko ng pinsan ko.

"kahit gustuhin ko man... hindi ako makatulog" sagot ko. "Si Daichi?" tanong ko.

Napataas kilay pa siya. "Namiss mo agad?" tanong niya.

"Baliw! " sagot ko lang.

"Ayun kasama ni Xyroun, nagprapractice yata ng mga basic sword fighting technique" sabi nito.

Nung mapansin ko ang mga kasama ko, tinuturuan din nila Manong Alo at Rose ang ibang girls sa paggamit ng archery.

Napangisi ako.

"O bakit?" tanong ni El.

"akalain mo yun? mala HUnger games yata ang peg nating ah? yun nga lang hindi lang mga tao ang kalaban natin, kung hindi pati mga zombies at bad spirits" sabi ko.

"cu'z? what if kung destiny natin talagang bumalik sa lugar nayun?" bigla nyang seryosong tanong.

Alam ko kung saan ang tinutukoy niya.

"baka nga... it's time to face our fate then... " sagot ko lang.

"Are you scared?" tanong niya.

"Of course..." sagot ko. "pero mas natatakot ako para sayo"

Ginulo lang nya ang buhok ko. "I will be ok" sabo nito.

"Puntahan mo na si Rui, ayun oh? kanina pa nagnanakaw ng tingin sayo" pang-aasar ko.

"Si Daichi din naman oh? muntik pa nga nyang nahiwa si Xyroun" tawa pa niya.

Biglang may tumatawag na sa skype. This is it!

lahat kami lumapit at si Sir Moto na mismo ang sumagot.

Yung lalaking nakamaskara nanaman ang humarap samin at yung creepy na nurse, but this time may kasama pa silang isang babae.

Is that?

"Hannah!" sigaw ni El.

Buhay siya? pero...

"oh my god? what have you done to her?!" sigaw at takot ko. Mabilis akong inalalayan ni Daichi nung makitang manghina ang tuhod ko sa nakita ko.

Nakatitig lang samin si Hannah, malalim at ito ang ilalaim ng mata niya. Parang ilang taong hindi natulog. Ang putla niya at sobrang payat. Buhay nga ba siya? o isa na rin siyang?...

"Heto na ang susunod na instruction ng laro" sabi nung creepy nurse. "sundan ang mapang ipapasa namin sa inyo, hanapin ang pangalawang clue. Para sa GGE kung saan kayo ang panalo sa unang laro, kayho ang papayagan naming magtungo sa lugar na ito. After 30 min. duon palang maaring magtungo ang ibang grupo, at mga zombies" sabay tawa niya ng malakas na parang nababaliw. "

"Ilang tao ang pwedeng sumali?" tanong ni El.

"4 ang kasali" sagot nung nurse. "but this time, kami ang mamimili"

Nagkatinginan lang kaming lahat.

"you have 1 hour to finish this task" sabi nito. "oh by the way... let me give you an advise. Much better kung magiging matapang kayo para humarap sa mga... multo" sabay tawa nanaman niya ng nakakatakot.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Where stories live. Discover now