Chapter 21: 2nd Stage

98 6 0
                                    


Gaya ng napagusapan, pagdating sa CDC ground, may naghihintay na helicopter duon para kay Manong Alo at Kitty.

Pero ang nakakapagtaka ay wala itong piloto.

May tablet sa loob, at pagkatapos ay may tumatawag sa skype.

Pagkasagot ni Daichi.

"Ah... oo nga pala, nakuha na ninyo ang remote control hindi ba? Parte padin ito ng laro, ang remote control na yun ay para sa helicopter na gagamitin ng 2 kasamahan niyo" paliwanag nung taong nakamaskara.

"What?!" Sigaw naming lahat.

"Relax, this is only gonna be a simulation game, gamitin nyo ang tablet na to bilang screen, at smdito nyo mavi-viszualize kung saan dapat dumaan ang helicopter hanggang sa safe itong makalapag" pagpapatuloy na paliwanag sa amin. " just make sure na magaling mag-drive ang pipiliin niyong maglalaro" sabay tawa nya at end ng call.

Nagkatinginan ang lahat.

"I will play " sabi ni Sir Moto, sabay kuha nung remote control.

"You sure about this Sir?" Tanong pa ni Daichi.

"Don't worry, playing drones is my hobby" confident pang sabi ni Sir Moto.

Drones? Susyal naman.

"Besides, I love video game" ngiti pa nito.

No choice naman din kami, we have to take the risk. Nagpaalam na kami kina Kitty at Manong Alo.

"Promise nyo magkikita kita tayo sa labas?" Iyak pa ng bunso ng grupo.

"I believe makakatakas din kayo dito" paalam ni Manong Alo.

At sinimulan na nga ni Sir Moto ang pagpapalipad ng helicopter.

Kung tititigan mo ang tablet para ka lang talagang naglalaro ng video game, yun lang nga dapat sobrang ingat dahil konting pagkakamali lang niya ay buhay ni Kitty at Manong Alo ang kapalit.

Sa sobrang kaba namin habang kinocontrol ni Sir Moto ang helicopter, halos hindi na kami makahinga.

"Shit!" Sigaw ni Rose, kasabay nun ay nagpakawala ito ng arrow.

Oh my god? Bakit ngayon pa?

May mga zombies na paparating, mabagal lang naman ang paglakad ng mga ito.

"Damn! Sir Moto, just concentrate on what your doing, we will do our best to protect you" sabi ni Daichi sa kanya.

"You have to make sure that Kitty and Manong Alo will land safely" sabi ko.

Nanginginig at pinagpapawisan si Sir Moto, "I will do my best" sagot naman nito at puwesto sya sa likuran naming lahat.

Hindi hinahayaam ni Rose na may makalapit sa amin.

"Rose? Easy on your arrows baka kailanganin pa natin yan" sabi ni El.

Nung mapansin namin na hindi naman katamihan ang mga zombies.

"Let's just attack them" suggest ni Daichi.

"O tara para hindi naman tayo naiinip dito, nakakahiya naman kay Sir Moto oh?" Pabiro pa ni Xyroun.

"Mhav, Rose, Rui, Vans, stay here and guard Sir Moto in this distance" sabi ni Daichi.

Aba? At talagang hindi ako pinaiwan?

"You too Lexus" utos ko nalang sa aso nya.

At yun na nga, sumugod at tinapos na namin ang mga zombies.

Sakto namang success na nakalapag sa labas ang helicopter na sinasakyan nila Kitty at Manong Alo.

"O Rose, sayang ang mga ito, gamitin mo nalang ulit" sabay abot ni Xy sa mga arrow na bumaon sa ulo ng mga zombie na pinatay ni Rose.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon