Chapter 27: Till we meet again

103 8 2
                                    

Tinanggap niya ang pananaksak ng clown. Habang pinoprotektahan ako.

May malakas na pagsabog. Ramdam ko ang dagundong ng lupa at pagbagsak ng building.

Napasigaw si Daichi, kasabay ng paghagis nya sakin sa portal. Buong lakas ko din siyang hinila papasok ng portal.

And then...

Nakakasilaw lang.

"Patay na ba tayo?" Tanong ko.

"Eve..." hinang hina nyang sabi.

"Daichi!" Sigaw ko, duguan siya.

Anong gagawin ko?

"Hang on Daichi, hwag mo kong iiwan, parang awa mo na... hwag mo kong iiwan" iyak ko nalang.

Hinawakan nya ang pisngi ko.

"I won't" sagot nito. "Trust me, we will meet again" ngiti niya.

Kasabay nun pinapikit nya ko sa pamamagitan ng kamay nya.

"Daichi" bulong at iyak ko.

Kahit nakapikit ako, nakakasilaw ang liwanag.

"Ces!" Sigaw sa kung saan...

Pagmulat ng mata ko. Madilim...

Teka? Nasan ako?

"Daichi!" Sigaw ko.

"Eve?" Tawag mula sa likuran ko.

"Daichi?panong?..." si Daiching iyakin ang kaharap ko. Ang batang si Daichi?

"I guess, the portal is also some kind of time machine" sagot niya.

Napatingin ako sa kamay ko, kinapa kapa ang katawan ko. Omg! Bata ulit ako?

"Ces?" Tawag mula sa itaas.

"El?" Naramdaman ko ang sakit ng likod ko at pwet ko.

Naalala ko, heto yata ang mga panahong nahulog si Daichi sa may abandoned hospital at nahulog din ako.

Teka? Dito nagsimula ang sumpa namin ng mga kaibigan ko...

"Raphael!" Sigaw ko.

"O Ces?" Ayos ka lang? Hintayin mo kami dyan nila Hannah, Eli at Cassey! Bababa kami" sabi nito.

"No!!!" Sabay namin sigaw ni Daichi.

"O kasama mo na pala yang english speaking na bata" sabi ni El.

"Oo! Kaya dyan lang kayo! O kaya hintayin nyo nalang kami sa may sasakyan! Tutal duon naman banda ang exit ng tunnel na ito!" Sigaw ko.

"Ha? Sunduin nalang namin kayo" sagot ni El.

"EL! Hwag kayong bababa dito!" Sigaw ko. "Ihagis nyo nalang lahat ng flashlight niyo samin para may magamit kami" sigaw ko.

"Bakit ba parang ayaw mo kaming bumaba dyan? Gusto mong masolo yang foreigner na yan noh?" Pangaasar pa ni Cassey.

"Ah eh... Oo cute nya eh, alam mo na pwede naman sigurong maging crush ko sya" palusot ko nalang.

"Seryoso ka cu'z?" Alangan pa ni El.

"Dali na kasi El, madalang nga lang akong magka-crush oh, pagbigyan mo na ko" sabi ko.
Natawa lang ang mga kasama ko.

"O sige hintayin namin kayo sa may parking lot" sabi nito, kasabay nun inihagis nila ang mga flashlight.

"O tandaan Ces ha? Ang pinagaralan sa sex education, hindi maganda ang pre marital sex" pang-aasar ni Hannah.

Sabay tawa nila.

Online:  Dead (GGE Chronicles)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن