Chapter 20: Clinic

112 9 1
                                    

Pagdating sa clinic, nakabukas naman ito at mabilis kaming sinalubong ng isang nurse na nakaassign siguro ng graveyard shift.

Si Rui pa nga ang tumapos sa kanya, lol! nurse to nurse.

Kasabay nun ay mabilis naming dinala sa kwarto si Manong Alo, nagtulungan si Rose at Rui para sa mga gagamitin sa operation.

Ako na ang kinuhanan nila ng dugo.

Mabuti nalang at tahimik, walang mga zombies o mga taong sumusugod. nakapagpahinga din kami kahit papano.

"oo nga pala? ano ang nakita nyo sa sasakyan ni Sir Moto?" tanong ko. "anong pangatlong clue?"

Inilabas ni Xyroun ang isang box.

"Ano yan?" Tanong ko.

" it's a some kind of remote control" sabi ni Daichi.

"Remote control? Ng ano?" Tanong ko.
"Can I see?" Sabi naman ni El. "Parang remote control lang ito ng kung ano mang laruan like cars o yung mga toy helicopter" sabay hila pa sa antena ng remote.

"Sure ba kayo na yan lang ang nakifa nyo sa kotse ni Sir Moto?" Tanong ko.

"Nagmamadali at natataranta na kasi kaming lahat eh" sabi naman ni Karis.
"Eh yung isang susi kaya? Para saan?" tanong naman ni Vans.

"Na kanini nga pala yun?" Tanong ko.

"Na kay manong Alo" sagot naman ni El.

Sakto naman lumabas na si Rose at Rui.

"Success" sabi nilang dalawa.

Mabuti naman kung ganun.

Pagpasok namin sa kwarto, gising din pala si Manong Alo. Tinawag nya agad si...

"Lexus, good dog" sabi nito.

Duon namin napansin. Isinabit pala ni Manong Alo yung susi sa colar ni Lexus.

"Mas ligtas ang susing yan sa kanya" pilit na ngiti ni Manong Alo.

"Guys, may tumawag nanaman sa skype" sabi ni Karis habang hawak ang ipad.

Infairness ang connection ha? Unlimited.

Pagkasagot, as usual ang bruhang nurse ang nakaharap samin.

" congratulation again GGE Team, kayo nanaman ang nakakuha ng pangatlong clue" sabi nito. "Don't worry last na yang clue na yan" creepy nyang ngiti.

"Para saan ba itong remote na ito?" Tanong ni El.

"For now... it's a secret" baliw na tawa ng nurse.

"So listen up, kayo ang nanalo sa Area 1, kaya you will move to the next level" paliwanag nito.

"Teka, akala ko ba tapos na? Anong next level?" Pagtataray at hysterical ni Rose.

I think pagod nadin siya sa kakatakbo, ako din naman, ayoko ng makipaghabulan sa mga zombies o mga kapwa taong nakikipaglaban para mabuhay.

" Clark is a big place, hinati namin kayo hindi lang sa bawat company na makikita dito, may Apat na Area, Area 1 kayo. Area 2 ang Airport at military camp, Area 3 ang Phil Excel at Area 4 sa may CDC ground" tuloy nitong paliwanag.

"Pansamantala, busy ang mga zombies na nangangain sa mga taong natalo nyo" tawa nanaman niya. "Kaya malaya kayong pumunta sa lugar kung saan pagdadausan ng Level 2 ng laro, pero hwag kayong magalala kasi kahit papano may premyo naman kayo para sa level na ito, mamili kayo ng dalawang tao na maaring makalabas na sa lugar na ito"
"Teka! Pano naman namin masisiguro na ligtas makakalabas ang 2 taong pipiliin namin?" Tanong ni Rui.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon