Chapter 22: Piece of Chess

109 7 0
                                    

Nagsimula na ang laro ni Rui, pareho lang sila ng kalaban nyang focus sa laro.

Unang nakatalo ng piece ang kalaban.

Inihanda namin ang sarili namin. Pony lang naman ang nakaing piece kaya isang zombie lang ang lumabas at mabilis lang itong pinana ni Rose.

Aminado ako wala akong masyadong alam sa chess basta alam ko kapag check mate na! Talo ka na! Pero dapat may tamang strategy ka dito. Strategy na puro utak ang gagamitin.

Sige labanan ko nalang ang mga zombies lol!

Horse ang sumunod na nakain ng kalaban 5 zombies ang katumbas nito.
Hindi pa man kami nakakahinga bishop ang sumunod na nakaing pyesa at 7 zombies naman ang katumbas.

"Rui yung totoo? nageenjoy ka yatang panoorin kami sa pakikipaglaban sa mga zombies ah?" Angal ni Xyroun na hinihingal na.

Kung tutuusin parang malalakas pa ang mga zombies na nakakalaban namin.

"Hwag ka ngang maingay Xyroun baka madistract si Rui" saway sa kanya ni Rose.

Makalipas ang 30 minutes.

Ang Queen ang nakaing pyesa. Tae ang alam ko ito ang pinakamalakas na pyesa sa Queen, mas marami pa nga itong nagagawa sa King. LOL! hugot mode.

"Ilang zombies naman kaya ang katumbas ng queen?" Kaba ni Mhav.

"Check mate" sabi ni Rui na nakangiti.
Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Game over! At ang nanalo GGE" sabi ng nurse at kasabay nun ang pagsigaw ng mga kasamahan ng grupong Philexcel.
"Oh by the way, kahit ikaw ang nanalo. Nakain padin ang queen kaya dapat makaligtas padin ang mga kasamahan mo sa 20 zombies" tawa nito.

"You are such a bitch!" Gigil sa kanya ni Rui.

"I know right?" Tawa lang nung bruhang nurse.

Inihanda namin ang aming mga sarili, at ginawa ni Rose ang lahat para mabawasan agad ang mga zombies na papalapit samin. Dahil magaling siya sa pagpana, perfect talaga ito sa long distance combat.

Pana dito! Saksak doon! Basta laban lang ng laban.

Hinihingal na si Vans, at Mhav. Kaya pinaatras muna namin sila.

Kahit ang mga kamay ko nanginginig na.

Nabitawan ko ang patalim na hawak ko.

"Ces!" Sigaw ni El.

Mabilis ang pagsugod sakin ng isang zombies. Pero pinigilan siya ni Lexus. At mabilos na sinaksak ni Daichi ang zombies.

Kinakapos ng paghinga si El. Oh no... not this time.

"Rui!" Sigaw ko. Pero hindi siya makapasok sa kampo namin dahil hindi siya pwedeng sumi sa labanan.

Sinusumpong ng hika si El.

"Breathe Raphael" taranta ko.

Namumutla na ito.

"Tapusin na natin silang lahat" sigaw ko.

Halos hindi na din kami makagalaw lahat. Bumukas ang gate af nakapasok na si Rui. Mabilis nyang tinulungan si El.

Napaupo nalang kaming lahat sa pagod.

"Magsisimula na ang 2nd round" sabi ng lalaking nakamaskara.

"What the F!" Mura nalang namin.

Inikot ni Hannah ang roleta at tumapat ito sa salitang music.

Singing bee ba ang peg o tawag ng tanghalan? O kung ano mang singing competition.

"Ako ang bahala..." volunteer ni Vans.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Место, где живут истории. Откройте их для себя