Chapter 30: Adjust

86 7 2
                                    

Heto na nga ba iyon? 

Parang maaga pa talaga kesa sa inaasahan ah?

"I will check the generator" sabi ni Shori.

Hindi ako nakakibo, dahil kasi baka mamya may naghihintay na ngang zombie sa labas. Tulad dati, nakagat si Tech Romeo.

Habang naghihintay ng sigaw mula sa labas... I checked my phone. May signal panaman.

Tatawagan ko na sana si Daichi ng biglang nagkapower na ulit.

Kinuha ko ang tumbler ko at dumiretso ako sa sa may likuran para kumuha ng tubig.

Nakasalubong ko pa ang budoy na Jap staff na si Ryuki, kahit nuon pa, nerdy type na ito at parang isip bata.

Dumiretso ito sa clinic.
Narinig ko pa si Nurse Hay na "you are asking for medicine again? This paracetamol is not a candy Ryuki San, do you want to become addicted to this?"

Lol! Ginawang mani yata ang paracetamol nitong budoy na ito.

Habang kumukuha ng tubig.

Pagpasok ni Shori at Tech Romeo Duguan ang kamay ni Tech Romeo

Omg! Nakagat ba siya?

"What happened?" Taranta kong tanong pero dumistansya ako.

"Nasugat lang ako kanina nung inaayos ko yung generator" sabi ni Tech Romeo.

Nakita kong dumiretso ito sa clinic.

"Are you scared in blood?" Tanong ni Shori.

Napailing ako.

Dati rati takot ako sa dugo. Pero sa napagdaanan ko nuon. Nawala na ang takot ko.

"Aaahhhhh!!!" Sigaw mula sa clinic.

Sigaw ni Tech Romeo yun.

Napasugod kami.

Napaatras ako nung makita kong kagat kagat ni Nurse Hay ang duguang kamay ni Tech Romeo kanina.

Habang si Ryuki San ay nanginginig sa takot, pagapang pa itong lumabas at napakapit kay Shori San.

"What's happening to her?" Tanong ni Shori.

Si Hayfril?

Tulad lang din siya ng mga ordinaryong zombie nuon. Pero paanong?... ang dugo. Yun ba ang nagtrigger sa kanya? sino sa kanila ni Tech Romeo ang may dala ng virus?

Habang nakikisabay ang ilang co-workers ko sa pagsigaw din ni tech Romeo.

May mga naglakas loob na pigilan si Hayfril.

"Hwag nyo sila lang lalapitan" babala ko.

Pero hindi sila nakinig. Too late mabilis na nagbago si Tech Romeo at nakagat din ang iba.

Mabilis akong tumakbo at dumiretso sa station ko.
Nataranta pa ko sa pagbukas ng box ko.

Bakit ba kasi nilock ko pa ito!

"Let's get out of here!" Si Shori? Nakasunod pala sakin. "What the hell are you doing!" Sigaw pa nito sakin.

Napatulala siya ng makita kung anong hawak ko.

"Why do you have that..." tulala nito. Pati pala si Ryuki nakasunod. At si Tech Romeo.

"Get down!" Sigaw ko.

Pagkadapa ni Ryuki.

Bang!

Yup! May baril ako, at nakatago ito sa pod ko.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora