Chapter 15: Hurry

137 10 1
                                    


Heto na ang tamang oras. 

Sobrang lakas ng kaba ko. 

Kung bakit naman kasi nagvolunteer pa ko. Shet pwedeng magback out?

HAbang naghihintay ng signal na start na ang game. 

Hinawakan ni Daichi ang kamay ko. 

"Uy? makikipaghabulan kayo sa zombie at hindi kayo maglalakad sa park" pangaasar ni Xyroun samin. 

Natawa nalang kami.

"believe me... it's gonna be just like that" sabay wink ni Daichi sakin. 

"Ok" tawa ko.

Wish ko lang noh, ano bato epic fail ang walking marthon sana namin sa park oh? bakit kasi may mga umeeksenang zombies. 

"relax..." sabi ni Daichi at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Damn... your hands are cold as ice" bulong nito. 

Ikaw kayang maglaro ng ganitong game? makikipagunahan sa oras, mga zombies at kapwa tao na gustong makaalis ng lugar na ito at manatiling buhay. Talagang manlalamig ang katawan mo. 

Nakaupo sa tabi ko si Lexus. 

Biglang may nagsabog ng fireworks. Saktong 6:00 ng gabi.

Pagbukas ng pinto, takbo kami agad tatlo. 

Pero as mush as possible, tahimik lang kami. 

So far... wala pang zombie o kahit anino ng tao. 

Matapos siguro ang 10 minutes na paglakad ng mabilis. Pakiramdam ko ilang oras na ang itinakbo ko sa sobrang kaba ko. 

Natatanaw ko na ang chapel. Ng biglang napahinto sa right side si Lexus. 

"what is it boy?" tanong ni Daichi sa kanya. 

Gumalaw galaw ang tenga ng alaga ni Daichi. And then naririnig namin siyang umuungol... ungol na may hindi siya gusto. 

Lumabas ang pangil niya at nagsimulang tumahol.

Hindi pa man ako nakakatitig ng mabuti sa direksyon ng tinatahulan niya. 

"HURRY EVE!" sigaw sakin ni Daichi at taranta na kaming tumakbo. 

Sa magkakaibang direction may mga ibang team ang tumatakbo patungo din sa chapel.

Nung may marinig kaming putok ng baril.

"Shit! get down Eve" sigaw ni Daichi. 

"baliw ka ba! takbo!" sigaw ko. Dahil nabulabog ang mga patay... at ayun na nga ang mga zombies. 

May mga naririnig kaming sumisigaw. sigaw ng takot at sakit... mga taong nakagat o kinakain ng zombies. 

Apat kaming grupo ang malapit na sa chapel. 

Tuloy lang ang pagtakbo naming lahat. 

Nauna kami sa may pintuan ng chapel. Pero biglang may sumugod saking lalaki at itinulak ako. 

Naramdaman ko ang sakit sa ulo ko nung matamaan sa pader. 

Habang iniinda ang sakit nakita kong nakikipagsuntukan si Daichi dun sa lalaking tumulak sakin. 

May paparating pang isang lalaki, kasamahan siguro ng kaharap ni Daichi, pareho sila ng uniform... mga factory worker sila ng isang company ng mga damit. 

I swear to god... I'm sorry for doing this. 

Hinampas ko siya ng hawak kong baseball bat. 

Napahiga siya at duguan... 

Online:  Dead (GGE Chronicles)Where stories live. Discover now