Chapter 13: Supplies

157 9 0
                                    


Nakatitig lang kami sa video. 

Pinagmasdan namin ang mga kasama naming nakaligtas. 

We have to wait again para kami naman ang iligtas. 

Pero... we are all just shocked nung sumabog din ang isang helicopter nung pabalik na sana ulit dito. 

Sino bang may kagagawan nito? Pinaglalaruan ba nila kami? 

Nasira nanaman ang communication hindi kami maka tawag sa labas ng Clark. 

"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Hayfril. 

Walang kumibo. 

"Honestly... sa ngayon nagugutom na ko" sabi ni Xyroun.

Kasabay nun, naramdaman ko nga ang gutom ko. 

"Sige, magluluto muna ko" sabi naman ni Rose. 

"we need to get some food supply" sabi ni Sir Moto. 

Agree kami dun, pero paano? may mga nakaabang na zombies sa labas ng office. 

Speaking of which... napansin kong nakatitig lang dun si Lexus at ang amo nitong si Daichi. 

Nung papalapit nako. 

"sshhhh! quiet" bulong nito.

Aba? ni hindi nga ako nagsasalita eh! letseng to!

Pero hindi ko na siya pinatulan. 

"I think they're gone" sabi niya. 

Napatingin kaming lahat sa kanya. 

Sumilip lang muna nang kaunti si El dun sa may bintana. 

"oo nga... wala ni isang zombie sa paligid" bulong nito. 

"Guys... puro noodles nalang ang nandito" sabi ni Rose. 

"Pagtyagaan muna natin yan... mamya, papasukin natin ang Puregold at kukuha tayo ng supplies" sabi ni El. 

"What are you kidding?" tanong ni Rui sa kanya. 

"I think cu'z is right... hindi tayo magsusurvive kung ganito lang ang kakainin natin." sabi ko. 

"Pero, napakadelikdo naman" sabi ni Hayfril. 

Hindi na kami sumagot. 

"We need to take the risk" sabi naman ni Daichi. 

"We also need to prepare and think a plan para makaalis na dito" sabi naman ni El. 

Makaalis? napaisip ako dun. 

Isa ba itong malaking laro? at itong Clark ang buong battlefield at kami ang mga characters na dapat manalo sa mga zombies? Wow lang ha? kung sino man ang nakaembento ng larong ito... anong drugs kaya ang tinitira nya? 

Tska bakit ganun? akala ko ba meron pan g ibang mga taong nakasurvive maliban samin? ano kayang iniisip ng mga yun? 

"Hey?' sabay pitik sa noo ko ni Daichi. "you think too much again..." sabay ngiti niya. 

Bigla nalang akong nakaramdam ng init sa mukha ko. Langya? ngayon pa ba ko magbla-blush? 

Matapos maglunch at magpahinga. Nagprepare na kami para sumugod sa malaking groceries store na halos katapat lang naman ng building namin. (Puregold yung tinutukoy ko- dito sa Clark). 

Heto nanaman kami... napansin kong parang nalalabanan ko na ang pagkahilo ko sa tuwing nakakaamoy ako ng dugo. 

"are you sure you will come with us?" tanong ni Daichi.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang