Chapter 39: Over Again

88 5 2
                                    


O sige nga? pano nga ba gamitin ang portal? 

Hindi padin kasi kami makaalis alis sa lugar na yun.

"We are stuck here?" Iling ni Angel.

Habang nagiisip padin ng plano ang iba kung ano ang magandang gawin para pigilan ang masamang mangayayari sa mundo.

Nagiisip din kami ni Daichi king kung paano gagamitin ang portal.

Dati kasi sinundan lang naman namin ang ibang entity hanggang sa makarating kami sa portal at nakabalik nga sa nakaraan.

Nakaraan?

"Tama! Daichi, I think kahit hindi na tayo malakbay sa ibang panahon o sinaunang panahon... basta makabalik lang tayo sa nakaraan, ang panahong pinaggalingan natin bago tayo nakarating dito" suggest ko.

"But Eve? You saw the video too, there is nothing there" sagot nito.

"No! May babalikan pa tayo, siguro naman hindi naman ganun kabilis para maglaban ang ibat'-ibang bansa. Tanging US palang naman yata ang gumagawa ng hakbang right?" Tanong ko ulit. 

Napaisip si Kurt, "yes at kung tama ang calculation ko kinakailangan pa ng 12 hours bago gumawa ng hakbang ang Russia at ibang mga bansa, sa mga panahon ngayon, I think may mga  zombies lang na sumusugod sa specific na lugar at kakalat ito sa buong bansa sa loob ng 3 hours, at within 24 hours sa buong Asia" paliwanag nito.

"Teka? sang bansa ba nila sisimulan? sa Pilipinas ba?" tanong ko.

"Nope! sisimulan nila sa maliit na bansa pero maraming turista, sa Singapore" sagot ni Kurt. 

"That's it! we have to go to that place and stop spreading the virus " sabi ni Daichi.

"ay sige, hindi pa ko nakapunta ng ibang bansa eh" sabi ni AJ.

Excited? 

Well, kahit ako naman hindi pa ko nakarating sa ibang bansa, pero... hindi ko pinangarap mamasyal sa abroad na zombies pa din ang haharapin ko.

"Simulan nyo ng pag-aralan kung paano gamitin ang portal" sabi ni Angel. 

"wala bang manual dyan? baka sakaling magka -idea kami?" tanong ko. 

"Kurt? do you still have the microchip from our grandparents?" tanong ni Daichi.

"Yes, it's still here" sagot naman ni Kurt sabay salang ulit sa laptop at pinanuod namin ang video. 

Meron pa pala itong pahabol na messege galing sa lolo ko at lola ni Daichi. 

"As you can see, we are always together, we are not in a relationship not just like you two mga apo, but we were best friend since before until the end, we can control the portal because we have the same abilities that we achieved since we were born. At kayo ang nagmana nun, kayo ang susi para magamit ang portal, pero... dapat lagi kayong magkasama" paliwanag nito. 

Kung sabagay magkasama kami ni Daichi nung makapasok kami sa portal nuong bumalik kami sa nakaraan. 

"BUmalik lang kayo kung saan ang kinatatayuan ng lugar kung saan kayo nakapaglakbay sa ibang dimention at piliin nyo ang tamang oras ant pinto kung anong panahon at lugar nyo gustong makarating" paliwanag ni Lola Anabelle. 

"at the back of this palce?" tanong ni Daichi.

"O kaya duon sa isang lugar kung saan kami naligaw nung una ni Lexus at nakita namin si Xyroun" sagot ko. 

"Then, let's go" sabi ni Daichi.

Pagdating duon. We stand together at basta ipinikit lang namin ang mga mata namin. Hinawakan ko ang kamay niya at...

Online:  Dead (GGE Chronicles)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora