Chapter 23: Doors

101 6 0
                                    


"This is gonna be the final stage, you will find the answers to all of your questions, when you win this part" paliwanag nanaman ni maskman.

"Dalian mo na at sabihin ang dapat naming gawin" irita ko.

"Magpahinga muna kayo, dahil kakailanganin niyo ng sapat na energy para sa last stage" ngiti ng bruhang nurse.

"Ay wow! Talagang may concideration pa" sarcastic na sabi ni Rose.

Isinakay muna kami sa isaag van at inihatid sa....

"Bongga! Sa Holiday Inn Hotel tayo?" Tuwa ni Xyroun.

Isa iyong sikat at mamahaling hotel sa Pampanga.

Pero bungad palang, sinugod na kami ng mga zombie na security guard at receptionist.

"Nice! Feel ko ang hospitality nila sa mga guest" sabi ko habang tumatapos nanaman ng mga zombies.

"Warm welcome ha?" Dagdag ni Rose.

Tumakbo kami sa loob ng hotel.

Mukhang halos nasa labas naman na ang mga zombies at iilan nalang ang nasa loob.

Malaki ang hotel kaya hindi padin kami sigurado. Napagkasunduan nalang naming magstay sa isang kwarto.

Syempre yung suite room na ang kinuha namin.

Pinakyaw ang laman ng ref, nagrefresh ng husto. At nakapagshopping pa si Rose, Mhavi at Xyroun sa shopping center ng hotel.
Kaya nakapagpalit kami ng damit.

Mahimbing ang tulog nila, maliban samin ni Daichi.
Kahit pagod na ko hindi talaga ako makatulog.

Inabutan nya ko ng warm milk.

Umupo lang sya sa tabi ko at humiga naman sa lap ko si Lexus. Sumandal ako sa balikat ni Daichi at nakatulog na nga ako.

I know Im having a nightmare!

Ang scene na ito... ang abandoned hospital kung saan kami nahulog ni Daichi nuon.

Ang babaeng humila sa paa ko... sya yun? Tama ako! Sila ang nakita namin sa salamin, ang doctor... sya si maskman.

Hindi kami ang target nya. Kung hindi ang mga kaibigan ko. Sila Hannah, Eli! Duon nagsimula ang lahat...

Nung mahulog kami ni Daichi sa morge, naiwan sila sa itaas, kaya hindi ko alam kung ano nga bang nangyari sa kanila nuon bago nila kami natagpuan ulit.

After ng pangyayaring yun, duon nagsimula ang sumpa sa grupo namin... si Cassey, si Hannah at Eli.

Pero bakit? Bakit hindi nila ako kinuha?

Dahil hindi pa tamang panahon... bulong mula sa likuran ko.

Sino yun?

El? Ikaw ba yan? Pilit kong sabi sa panaginip ko.

"Eve? Wake up" boses ni Daichi.
"Your dreaming..."

Pagmulat ng mata ko.

"Are you ok?" Tanong agad nito.

Napatango ako.

"I think we better go back sa abandoned hospital" sabi ko.

"Why?" Tanong nya.

"Ewan ko, pero malakas ang kutob ko may kailangan tayong hanapin dun, kasagutan sa mga pangyayari dito" sabi ko.

"So we have to go back?" Tanong nya.

Hindi ako nakakibo.

Kasabay nun ay tumunog ang ipad.

Pagbukas ng skype.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Where stories live. Discover now