Chapter 6

5 0 0
                                    

Chapter 6

"Aray!" malakas na sigaw ni Claudia ng sa bigla niyang pagbangon ay nahulog siya sa kamang kinahihigaan niya. Hindi niya maikilos ang mga kamay na labis niyang ipinagtataka. Hanggang sa mapansin niya ang ayos ng kanyang katawan.

Nakabalot siya ng kumot at hindi niya makita kung nasaan ang dulo. Gusto man niyang alisin ang magkakabalot niya sa kumot ngunit pati kamay niya ay nakapaloob sa kumot.

Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Ano ang nangyari at nasa ganito akong sitwasyon?" usal niya ng isa-isa niyang balikan ang nangyari mula pa ng pagkagising niya.

"Anak, ang aga mo. May pasok ka na rin ba ngayon?" tanong ng kanyang inay habang nagsisimula ng magluto ng pang-agahan.

"Wala po inay. Tulad nga po ng palagi kong sinasabi sa inyo ay baka nasanay lang. Pati nasilip ko na po ang don at mahimbing pa po ang tulog. Magdidilig po muna ako sa hardin."

"Ganoon ba? Naku huwag na muna magkape ka na lang muna at mamaya ay may ipag-uutos daw sa iyo ang don sa may kubo. Alam mo namang excited iyon sa pagbalik ng kanyang apo kaya naman ipinagawa ng mabilisan ang kubo. Dahil ang ilog na iyon ang paraiso ng senyorito."

"Ah sige po. Ako po muna ay magsasalang ng labahin. Para po hindi na po kayo ang gumawa mamaya. Para magsasampay na lang kayo," napangiti na lang ang kanyang inay.

Matapos maghango sa washing machine ang mga damit na nalabhan na ay nagsalang ulit si Claudia ng iba pa. Napasungaw naman siya sa may pintuan ng pumasok sa kusina ang don at ang apo nito. Lumabas na rin kasi ang kanyang inay at mabilis na dinampot ang mga nalabhan na niyang damit.

"Claudia, anak, pakinggan mo kung tatawag ang don at baka may ipag-uutos. Isasampay ko na rin muna ito ng mabilis na makatuyo."

"Opo inay."

Ngunit hanggang sa makatapos kumain ang maglolo ay hindi na tumawag ang don, maliban na lang ng siya mismo ang tinawag nito para sa sinasabi ng kanyang inay na ipag-uutos ng don.

"Don Ponce ano pong ipag-uutos po ninyo sabi ng inay."

"Ipagdala mo ng gamit si Rico sa may kubo. Kahit tig-iilang piraso lang. Para naman pagnaisipan ng apo kong magtungo ng ilog ay may pamalit na siyang damit. Alam kong magugustuhan niya doon. Gusto kong makapag-isip-isip si Rico. Sa katunayan ay dahilan ko lang kay Rico ang pamamahala ng hacienda. Sa katunayan ay sa edad niya dapat ay may tatlo na akong apo sa tuhod."

Napalunok si Claudia. Bakit parang may bikig sa kanyang lalamunan. Habang bigla ay parang kumirot ang kanyang puso ng sabihin ng don na dapat ay may tatlo na itong apo sa tuhod. Aminado siyang kahit napakasungit ng senyorito ay itinatangi niya ito. Hindi lang niya maipakita lalo na ang maiparamdam. Hindi naman bagay sa isang maharlika ang isang dukha. May pangarap lang siya ngunit hindi iyon sapat para bumaba ang tala sa lupa.

"Claudia?"

Napapitlag siya. Hindi niya akalaing maglalakbay ng ganoong kabilis ang kanyang isipan.

"A-ano nga p-po iyon?" nauutal pa niyang saad ng ngumiti ang don.

"Ipagdala mo ng gamit si Rico sa kubo. Mga damit at personal na gamit na pwedeng pamalit pagnaligo sa ilog si Rico. Nasa likod bahay lang ang apo ko. Mukhang hindi pa naaalala ang ilog at nanghingi ng banig doon daw siya mahihiga. Isa pa pwede ka pa ring maligo sa ilog tulad ng palagi mong ginagawa sa mga nakalipas na taon. Baka isipin mong ipagbawal ko dahil nandito na ang apo ko. Hindi ganoon."

"Salamat po Don Ponce. Magrereview po ako. Kaya magdadala na rin po ako ng notes ko doon. Isa pa po ay may pagkain na naman pong nadala doon ang itay at ang inay kahapon," excited niyang saad.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now