Chapter 16

4 0 0
                                    

Chapter 16

"Anong ginagawa mo?" nakakunot noong tanong ni Claudia ng maabutan niya si Rico sa kusina. Kitang-kita naman niya ang ginagawa nito, nagluluto. Kaya lang hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ginagawa ito ngayon ng asawa.

Maaga na nga siyang gumising kahit gabing-gabi na sila nakatulog. Sinabayan pa siya ni Rico habang nagrereview. Natulog lang ito ng makatapos siyang magreview. Kaya hindi niya akalaing mas maaga pa itong nagising sa kanya at ngayon nagluluto pa.

"Ano sa tingin mo Sisima?" nakangisi pa nitong saad habang inaahon ang scrambled eggs na niluto nito. "Fried rice, iyong tira nating kanin kagabi, toast bread, egg, bacon at ginisang sardinas sa toyo at suka," dagdag ni Rico matapos ihayin ang mga pagkain sa lamesa.

"Gumising ka ng maagap para lang magluto? Ako na dapat ang gagawa niyan nag-abala ka pa."

"Nag-aral kang mabuti kagabi kaya naman dapat lang ay ako na ang gumawa nito ngayong umaga. Tulad ng sinabi ko sayo, magsimula tayo bilang magkaibigan. At bilang mabuting kaibigan ay ako na ang gumawa ng lahat ng ito. Galingan mo sa quiz ninyo," tumataas pa ng sabay ang mga kilay ni Rico na ikinatawa ni Claudia.

"Pipilitin kong makapasa. Para sayo ang score ng quiz ko na iyon mamaya. Mukhang masarap ha. Marunong ka pa lang magluto Morning Seven?"

Napangisi naman si Rico. "Yes my dear wife. Sa tagal kong nanirahan sa ibang bansa ay baka mamatay ako sa gutom kung hindi ako marunong magluto. Mga minsan tayo ang mamili ng mga kakailanganin natin dito sa kusina. Ipaglululuto kita ng mga specialty ko."

Hindi naman maiwasan ni Claudia ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya. Sino bang hindi. Una hindi niya inaasahan na tatawagin siya nitong 'wife'. Hindi niya akalaing masarap sa pandinig ang endearment na iyon mula sa asawa, "wife," ulit pa niya sa isipan na ikinangiti niya. Pangalawa ay hindi niya akalaing marunong itong magluto.

"Natulala ka na," nagulat pa siya ng magsalita si Rico. Humahanga lang naman siya, natulala na pala siya kaagad.

"Hindi naman. Hindi ko lang akalain na..."

"Marami akong alam gawin? Alam mo Sisima, mula ng napalayo ako dito. Natuto na akong maglaba, maglinis ng bahay at kung anu-ano pa, pati na rin ang pagluluto. Hindi naman dahil ibinibigay ni lolo lahat ng gusto ko ay spoiled na ako. Siguro nga ganoon. Ngunit pinilit kong magkaroon ng alam sa simpleng bagay. Ang ayaw ko naman dito sa hacienda noong pabalik pa lang ako, ay sa kadahilanang, wala ditong night life. Buhay ko ang magstay sa mga bar hanggang madaling araw. Alak, makipagkilala sa mga magagandang babae. Aminado akong may ganoon akong side. Sa edad kong ito, sa tingin mo nasa loob lang ako ng kwarto at nagmumukmok?" natatawang saad pa ni Rico.

Hindi inaasahan ni Claudia na magkukwento si Rico ng ganoon sa kanya. Nakakapanghina na marinig na marami itong nakilalang magagandang babae noon. Pero sabagay noon iyon. Pero ngayon ba? Gusto na ba nito ngayon dito? At ayos na ba dito na mag-asawa na sila. Pero sa bagay may hangganan ang lahat. Napailing na lang siya.

"Ngayon ba? Gusto mo pa ring balikan ang night life mo?"

Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Rico. "Mula ng tumuntong akong muli dito hanggang sa kahapon. Oo ang sagot ko. Nakakabagot na magstay dito. Pero mula kagabi ng nagkausap tayo, biglang nagbago ang isip ko. Gusto kong subukan muli ang buhay dito sa hacienda. Lalo na at ito naman talaga ang buhay ko, bago ako iwan nina mommy at daddy kay lolo," malungkot na saad ni Rico.

Alam naman ni Claudia na mabuting anak at apo si Agapito. Iyon palagi ang kinukwento sa kanya ng don tuwing namimiss nito ang apo. Kaya naman naniniwala siya doon. Dangan nga lamang at noong unang dating nito ay nagkaaberya sa laptop nito, kaya naman hindi rin niya ito masisi sa pagiging mainitin ng ulo nito sa kanya.

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now